PSN Opinyon ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Digong, manguna sa national drug test

MATAGAL nang dapat ginawa iyang random drug test sa mga estudyante. Panahon pa ni dating Pangulong Noynoy ay pinanukala na iyan, kaso marami ang tumutol.  Paglabag daw sa karapatang pantao.

Pero sa mga taong matino ang isip, ito ay napapanahong hakbang lalu pa’t talamak ang paglaganap ng droga sa bansa. Kung puwede nga, hindi lang sa mga paaralan kundi pati sa mga opisinang pribado at pampamahalaan. Palawakin pa ito para isali ang mga residente ng bawat barangay para magkaalaman kung sino ang dapat saklolohan para mahango sa masamang bisyo.

At kung ako si Presidente Digong Duterte, sa paglulunsad ng national drug test, ako pa ang mangunguna kasama ang mga cabinet members para mas maraming­ taumbayan ang mahikayat sumuporta sa ganyang programa.

Kasi, paano mo masusugpo ang droga kung hindi mo batid kung sino ang mga taong apektado nito? Yung mga mapapatunayang alipin ng bisyo ay agad isailalim sa rehabilitasyon.

Matagal ko nang iniisip kung bakit marami ang tumu­tutol sa drug test. Tingin ko, ang dapat lang matakot dito ay yaong mga gumagamit ng droga. Kaya natutuwa ako at ipatutupad na iyan sa mga paaralan, pribado man o pampamahalaan. Kaya kung may mga estudyanteng gu­ma­gamit ng drugs, marahil ay maglulubay na para nga­yon pa lang ay maging malinis na sa bahid ng droga ang kanilang dugo. At kung consistent ang gagawing drug test at hindi ningas cogon, malamang na hindi na gagamit ng droga ang mga estudyante hanggang sa tuluyan na nilang makalimutan ang bisyo.

Pero gaya nang nasabi ko, dapat isama na sa drug test ang lahat ng tanggapang pribado at pamahalaan. Pati tanggapan ng Philippine National Police at military, huwag gawing exemption at makabubuti siguro kung pati ang mga top officials, kahit pa cabinet secretary­ ay magboluntaryong magpa-drug test. Wala namang masama diyan kung hindi sila guma­gamit.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: