^

PSN Opinyon

Don’t chicken out

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

BAGSAK-PRESYO daw ang manok at halos wala pang gustong bumili dahil sa pagkatakot sa bird flu. Kawawa naman ang mga poultry producer. Tiba-tiba naman ang mga producer ng isda, baka at baboy dahil tumaas ang demand sa kanilang produkto, kaya nagsipagtaasan din ng presyo.

Pero huwag tayong mag-panic at huwag matakot sa pagkain ng manok. Ayon sa mga poultry owners, may dalawang klase ng mga nag-aalaga ng manok: ito ang mga broiler at layer farmers.

Ang tinamaan pala ng bird flu sa isang barangay sa San Luis, Pampanga ay yung mga layer farmers o nag-aalaga ng mga manok na nangingitlog. Hindi pala nadale ng sakit ang mga broilers o yung mga manok na inihahain natin sa lamesa at kinakain sa mga fast food chains.

Yung mga nilulutong dressed chicken na nabibili sa palengke at grocery ay inaalagaan para lutuin talaga. Hindi ito nadamay sa bird flu.

Ngayon, yun namang itlog na mula sa mga manok na naapektuhan ng sakit, ayon kay DOH Usec Eric Tayag ay ligtas kainin basta’t hard boiled. Huwag kakain ng malasado o kaya pinirito na mamasamasa pa at baka hindi pa napatay ang virus.

Isa pang good news, naagapan umano ng Department of Agriculture ang pagkuwarantenas sa mga manok na apektado sa San Luis Pampanga. Kaya nakapanghihinayang man, libu-libong manok ang papatayin at ililibing para huwag nang kumalat pa ang virus. Pipi­gilan din ang pag-transport sa mga manok na galing sa Pampanga patungo sa ibang panig ng bansa.

Ani Agriculture Secretary Manny Piñol, kapag kumalat pa sa buong bansa ang sakit ay handa siyang magbitiw sa puwesto. Hindi naman pala matatawag na alarming o lubhang naka­babahala ang kaso ng bird flu sa bansa. Medyo na-play-up lang marahil sa media kaya nataranta ang taumbayan.

Kaya sa mga mahilig kumain ng manok, tuloy ang ligaya. Don’t chicken out!

 

                

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with