^

PSN Opinyon

‘Anti-Hospital Deposit Law, pinalagan!’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

PUMAPALAG ang Philippine Hospital Association laban sa Republic Act No. 10932 o ang pagpapatibay ng “Anti-Hospital Deposit Law”.

Malinaw sa “batas” na ipinagbabawal ang paghingi ng deposito o paunang bayad para tumanggap at mang­gamot ng mga pasyente sa mga ospital at mga klinika.

Ang siste, gustong gamitin ng mga mayayamang ospital na ito na gamitin ang hukuman para suwayin at balahurahin ang batas sa pamamagitan ng paghingi ng Temporary Restraint Order (TRO).

Kung hindi ba naman talagang mga anti-poor ang pag-iisip at ang nais lang ay payamanin at patabain ang kanilang mga bulsa at gagawing sangkalan ang TRO ng hukuman.

Intindihin n’yo ‘to, kayong mga mayayaman at pribadong ospital na walang ginawa kundi magmalaki na ang inyong mga doktor ay topnotch, na ang inyong serbisyo ay high class, na ang inyong mga teknolohiya ay high end at ang inyong mga kuwarto ay tila 5-star hotel room; hindi ‘yan ang sinumpaan niyong tungkulin!

Hindi ba’t kaakibat ng inyong lisensiya bilang mga manggagamot ang pananagutan at responsibilidad na magbigay ng agarang lunas sa mga karamdaman at magsalba ng buhay?

Ang lagay eh imbes na tanungin ninyo kung ano ang karamdaman ng isang pasyente aba’y paghingi agad ng deposito ang entrada n’yo.

Ituwid natin ang mga nakatuwad n’yong kukote. Unang-una ay hindi naman kayo pinupuntahan ng mga pobre nating kababayan na tinatawag n’yong hampaslupa.

They just happened to be in a wrong place and a wrong time. Dahil emergency ang kalagayan o di kaya’y naghihingalo na, wala na silang choice. Kayo ang itinuturing nilang right place in a wrong time para mabuhay.

Hindi kagustuhan ng mga mahihirap na mamamayan na mapadpad sa inyong mga ospital. May mga government hospital naman silang mapupuntahan pero dahil nakikipaglaro na si kamatayan ay wala na silang pagpipilian.

Dito nagagalit si Pres. Rodrigo Duterte eh. Maraming mga oportunista na tinataran@3!o ang batas.

Insulto ito sa mga mambabatas na gumagawa ng mga alituntunin sa mamamayan ng bansa pero may mga putok sa buhong sanay na sanay to abused and misused the law.

Ang ibig bang sabihin ng inyong pagpu-protesta at kandarapa kayong kumuha ng TRO laban sa R.A. 10932 ay hindi libre ang mabuhay? Kumbaga sa salitang kalye, “kung gusto mong mabuhay eh may halaga ‘yan, deposito muna!”

Mag-isip-isip kayo diyan sa Korte Suprema sa petisyon ng mga ito. Nakuuuu kilabutan kayo, makatulog sana kayo nang mahimbing sa gabi!

 

 

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with