PSN Opinyon ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

EDITORYAL - Balik ang mga kawatan sa NAIA

PINAG-UUSAPAN na naman ang Ninoy Aquino­ International Airport dahil may mga nanana­kawan ng mahahalagang gamit. Dati nang nangyayari ito bago pa mauso ang “tanim-bala”. Pero ngayon, hindi na basta karaniwang tao ang nina­nakawan kundi pati na ang matataas na pinuno ng ibang bansa. Dagdag puntos ito sa pagiging worst ng NAIA.

Noong nakaraang taon, nasa ika-15 puwesto ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa pagiging worst airport sa Asia. Isa sa mga dahilan kung bakit kabilang ang NAIA sa worst airport ay dahil sa “tanim-bala” na nangyari rito noong panahon ng Aquino administration. Sunud-sunod ang insidente ng tanim-bala noong 2015 na pawang turista, balikbayan at overseas Filipino workers (OFWs) ang nabibiktima. Tinataniman ng bala ng mga corrupt airport personnel ang mga bagahe at peperahan nila ang mga biktima.

Nakadagdag sa pagiging worst ng NAIA ang hindi magandang serbisyo – maruming comfort room, walang upuan sa hintayan, mga bastos na personnel, kawalan ng signages at ang pinaka-matindi ay ang pagnanakaw na ginagawa ng baggage handlers.

Ang pinaka-latest na pangyayari ay nang pagnakawan ng apat na baggage handlers ang asawa ng TurKish Foreign Minister noong nakaraang linggo­. Nagtungo sa bansa ang Foreign Minister kasama ang kanyang maybahay para dumalo sa ASEAN meeting. Nang magbalik sa kanilang bansa, natuklasan ng maybahay na nawawala ang kanyang mga mamahaling alahas sa baggage. Agad nilang nireport ang pangyayari.

Nahuli ang apat na magnanakaw sa NAIA. Nakuha sa locker ng isa sa baggage handlers, ang mga alahas. Sinampahan na sila ng kaso.

Ano pa ang magbibigay ng kahihiyan sa NAIA? Dapat magkaroon ng paglilinis sa NAIA. Ang pa­ulit-ulit na pagnanakaw ay lalong magpapababa sa pagtingin sa NAIA. Nakakahiya na ito!

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: