PSN Opinyon ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Kadayawan tuloy na tuloy

WALANG makakapigil sa pagdaraos ng pinakahihintay na festival dito sa katimugan, ang annual Kadayawan sa Dabaw Festival na official na sisimulan bukas dito sa Davao City.

Sisimulan bukas ang week-long Kadayawan festivities na tinaguriang thanksgiving to the gods for the bountiful harvest all-year round at sasalihan ng may laying-isang tribu ng mga Lumad na naninirahan dito sa Davao City.

May mga naging haka-haka na hindi raw matutuloy ang Kadayawan sa taong ito dahil nga sa banta ng terrorismo lalo na sa nangyayari sa Marawi City at ang patuloy na martial law dito sa Mindanao. 

Ngunit hindi nagpatinag ang mga Dabawenyo sa pangunguna ni presidential daughter and Mayor Sara Duterte-Carpio sa pagpasya na itutuloy ang pagdaraos ng Kadayawan at gagawing mas bongga ito ngayong taon.

Kaya nga naman mas maraming activities ang dinagdag sa Kadayawan ngayon.

At higit sa lahat may ginawa na ring Tribal Village sa loob ng Magsaysay Park na kung saan ang mga bisita at local residents mismo ay matunghayan ang pamumuhay at kung ano ang mga bahay ng bawat isa sa 11 tribu na kasali sa pista nang lahat ng pista na tinatawag na Kadayawan sa Dabaw.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Kasi nga naman kung magpapatinag tayo sa terorismo at itigil na lang natin lahat ng ating araw-araw na pamumuhay dahil sa takot, aba e, panalo ang mga terorista at ang kanilang adhikain ang mananaig.

Hindi ‘yan pupuwede.

Kaya tuloy ang kasiyahan sa Indak Indak sa Kada­yawan!

Halina at magsaya!

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: