PSN Opinyon ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Abot-kamay na ang pangarap

NANINIWALA ako na ang edukasyon ay susi ng tagumpay. Magandang balita dahil pinirmahan na ni Pres. Digong Duterte ang Republic Act. 10931 o libre na ang matrikula sa kolehiyo sa state colleges at universities. Napakahalaga ng batas na ito sa isang mag-aaral, lalo na kung siya ay galing sa isang mahirap na pamilya at pursigidong maabot ang kanyang pinapangarap. Hindi na magiging hadlang ang kahirapan upang maabot ng isang kabataan ang kanyang pangarap sa buhay. Libre naman ang mangarap kaya lang kung may ganitong pagkakataong libre ang matrikula ay parang abot kamay na lang ang pangarap.

Napakahirap ng isang mahirap lalo na kung maraming anak. Hindi alam kung saan kukunin ang pangmatrikula para sa mga anak. Pagkakandakuba na sa katatrabaho ang mga magulang para lang matustusan ang edukasyon ng anak. Ang isang musmos ay pangarap na niyang makatungtong sa eskuwelahan ang siste karamihan ay hanggang high school lang ang natatapos dahil kapos na sa pera at wala nang maipangtustos sa kolehiyo. Pero ang mga matatalinong estudyante ay nakakakuha ng scholarship at meron din tinatawag na study now pay later at ang iba ay working students. Maraming paraan upang maabot ng isang kabataan ang kanyang pangarap.

Ang pinakamagandang maipapamana natin sa ating mga anak ay edukasyon. Hindi ito pwedeng nakawin ng sinuman kapag ang isang kabataan ay nag-aaral hindi nito maiisip gumawa ng hindi maganda tulad ng droga. Mailalayo rin natin sila sa mga hindi magandang gawain. Nababawasan lalo ang mahirap sa ating bansa kapag lahat tayo ay may pinag-aralan. Magiging madiskarte tayo sa buhay.

Sana magtuluy-tuloy itong programang ito ng gobyerno para maiwasan mailihis ng landas ang mga kabataan dahil naniniwala ako na ang kabataan ay pag-asa ng ating bayan.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: