^

PSN Opinyon

US, Japan at Australia

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

KUNG hindi naglabas nang malakas na pahayag ang ASEAN kontra sa paglikha ng mga isla ng China at militarisasyon ng rehiyon, nagkaisa naman ang US, Japan at Australia sa panawagan na itigil na nga ang mga ito, at panatiliing malaya ang paglayag at paglipad sa rehiyon. Hindi pinangalanan ang China pero sino pa ba ang tinutukoy nila? Nakatanggap din ng batikos ang Pilipinas mula sa tatlong bansa dahil sa pagsasantabi sa naging desisyon ng UN Permanent Court of Arbitration kung saan nanalo naman ang bansa. Dapat daw sundan ng Pilipinas at China ang nasabing desisyon. Legal daw ang naging desisyon, kaya dapat lang daw sundan at ipatupad ng mga kinauukulan.

Ito ang ayaw ng China. Mga nakikialam umano sa mga isyu ng rehiyon ng mga hindi naman “taga-rito”. Ginawa ngang kundisyon na kung walang makikialam na bansa na hindi naman kabilang sa rehiyon, makikibahagi sila sa mga usapan hinggil sa Code of Conduct sa Nobyembre. Pero sa tingin ko ay hindi naman aatras ang tatlong bansa sa panawagan nila na itigil ang anumang paglikha ng mga isla, pati na rin ang militarisasyon ng rehiyon.

Ayaw rin umano ng China na magkaroon ng legal na kapangyarihan ang anumang mapag-usapan sa Code of Conduct. Karamihan ng ASEAN, kasama ang Pilipinas, ang gusto ng legal. Ang gusto ng China, at tila sila naman ang masusunod, ay mag-usap ang mga bansa na may isyu o pag-aangkin sa mga teritoryo sa karagatan. Sa ganitong paraan, mas lamang ang China dahil mas maiimpluwensiyahan ang mga bansa sa pamamagitan ng iba’t ibang pamamaraan. Kung magkakaisa sana ang ASEAN, baka magdalawang-isip sila. Pero ayon nga sa mga analitiko, nagbago na ang sitwasyon dahil sa paglapit ni Pres. Rodrigo Duterte ng bansa sa China. Nadagdagan ang kakampi, ika nga, ng China sa ASEAN. Napansin naman na ang iba sa taong ito kumpara sa mga nakaraang taon ay mas naging malakas ang boses ng mga sumisita sa mga aktibidad ng China sa karagatan. Banggitin ko ang Vietnam, ang tanging bansa na kumontra sa matabang na pahayag na ilalabas na sana ng ASEAN noong Biyernes.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with