^

PSN Opinyon

Digong, ama ng libreng edukasyon

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

SA kabila ng paghadlang ng kanyang mga economic ma­na­gers, pinirmahan pa rin ni President Duterte ang batas sa libreng edukasyon sa kolehiyo. Iyan ang tinatawag na political will!

Kaya kahit binabatikos si Duterte sa kanyang marahas na pakikidigma sa droga, walang pasubaling ikinatuwa ng buong bansa ang batas na nilagdaan niya na nagkakaloob ng libreng edukasyon sa mga mag-aaral sa lahat ng mga pamantasan at kolehiyo ng pamahalaan.

Tama si Manila 2nd district Rep. Carlo Lopez: Dapat itanghal ang Pangulo bilang ama ng libreng tertiary education, matapos niyang pirmahan and batas sa Universal access to quality tertiary education act. Sabi mismo ng Pangulo, bagamat malaking pondo ang ilalaan dito, sulit ang pakinabang kapag ang mga kabataang Pilipino ay makakapatapos sa kolehiyo. Oo nga, magiging asset sila sa pagpapaunlad ng ekonomiya.

Matatawag itong tagumpay at pakinabang hindi lamang sa mga kabataan ngayon kundi sa mga susunod pang hene­rasyon. Isipin na lamang na kung walang ganyang batas, darating ang puntong marami ang hindi makakapag-aral at lalaking mangmang ang mga Pilipino. Kawawa ang isang bansang binubuo ng mga mamamayang mangmang. Medyo namumroblema lamang ngayon sa pagkukunan ng pondo para masustine ito.

Dahil dito, hinikayat ni Rep. Lopez na gawin ng Kongreso ang trabaho na tulungan ang Pangulo sa mga posibleng pagkukunan ng pondo para sa implementasyon ng bagong batas na nagbigay ng panibagong pag-asa sa mga pangarap ng mga kabataan ng bansa sa hinaharap. Alam kong may magagawa ang mga mambabatas.Gaya ng sinabi ni Sen. Lacson, ilaan na lang ang pork barrel para tustusan ang programa imbes na gamitin sa makasariling interes.

Binigyang diin ng mambabatas na ang pagpapasabatas ng Pangulo sa libreng edukasyon ay magiging panghabam­buhay na alaala ng mamamayan na maitatala sa kasaysayan ng edukasyon ng bansa.

Ang bagong batas sa libreng matrikula ay hindi lamang sasaklaw sa mga state universities at colleges kabilang din ang CHED-accredited local universities and colleges at TESDA ran technical vocational institutes. Sana naman, wala nang estudyanteng magbubulakbol dahil ang gagastos sa kanilang pag-aaral ay taumbayan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with