^

PSN Opinyon

Sorpresa ni Digong

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

AKALA ko tuluyan nang magbe-veto ng Pangulo ang panu­kalang batas na nagtatakda ng libreng matrikula sa lahat ng unibersidad at kolehiyo ng pamahalaan. Kahapon lang eh ibinalita na handa ang ilang mambabatas na i-refile ang naturang panukalang batas kung hindi pa mapipirmahan ng Pangulo.

Kasi, kamakailan lang ay ibinalita na hindi pinaglaanan­ ng pondo ng Department of Budget and Management ang natu­rang programa kaya naman nagmaktol ang mara­ming kabataan at mga magulang. Salamat at nakapag-isip ang Pangulong Duterte at napagtanto na isang investment ang programang ito porke kapakanan ng mga kabataan ang nakataya. 

Kaya naman pinirmahan na kamakalawa ng gabi ng Pangulo ang naturang panukalang batas na naglala­yong gawing libre ang tuition fee sa lahat ng  mga state universities and colleges (SUCs), local universities and colleges (LUCs) at mga tech-voc institutions na pinapatakbo ng Technical Education and Skills Development Authority (Tesda).

Ang nasabing bagong batas ay tatawaging Universal Access to Quality Tertiary Education Act. Tama ang pasya ng Pangulo. Napakaraming programa na pinaglalaanan ng pondo na hindi naman dapat gawing prayoridad. Ang edukasyon ang pinakamahalagang aspeto sa pagpapaunlad ng bansa at kung darami ang mangmang sa bansa, lalung mababansot ang paglago ng ekonomiya ng bansa.

Wasto ang ebalwasyon ng Pangulo at mas pinaha­lagahan ang pangmatagalang benepisyo na makukuha sa implementasyon ng batas.

Kaso, naisumite na sa Kongreso ang national budget para sa susunod na taon at hindi kasama ang pondo para sa libreng tuition fees ng mga nag-aaral sa SUC. Ayon sa Malacañang, kakailanganin ngayon ang kaukulang adjustment sa pondo ng iba’t ibang sangay ng pamahalaan.

Well, sabi nga sa wikang Inggles, all is well that ends well. Tiyak ko na magsasaya na ngayon ang mga kabataan natin sa balitang ito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with