^

PSN Opinyon

Code of Conduct?

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

NAGSIMULA na ang ASEAN Ministerial Meeting sa bansa kahapon at magtatagal hanggang Agosto 8. Dumalo ang 28 foreign ministers mula sa ASEAN at East Asia Summit­. Dumalo sina US Secretary of State Rex Tillerson­ at Australian foreign minister Julie Bishop. Kaya ko sila nabanggit ay dahil naging kritikal sila sa China sa pag-aangkin at paglagay ng gamit-militar sa ilang inilik­hang isla sa karagatan. Ginagamit din daw ng China ang yaman­ nito para ilihis ang isyu ng teritoryo sa South China Sea.

Muling pag-uusapan ang Code of Conduct on the South China Sea, pero mukhang hindi pa rin ididiin ang pagkakapanalo ng Pilipinas sa UN Permanent Court of Arbitration. Pag-uusapan ang seguridad ng rehiyon, partikular ang mga pangamba sa ginagawang missile testing­ ng North Korea na ikinagagalit ng marami sa mundo. Wala ring makasabi kung maglalabas ng opisyal na pahayag ang ASEAN hinggil sa mga isyu ng teritoryo sa karagatan, at ang malinaw na paglalagay ng gamit-mi­litar na ng China sa mga isla. Sa madaling salita, hindi pa rin handa ang ASEAN na banggain ang China sa isyu na ito. Wala na ngang nagtataka kung tatahimik na naman ang ASEAN sa isyu.  

Kaya ano naman ang magagawa ng Code of Conduct? Kung sakaling magkaroon ng kasunduan ang ASEAN at China sa Code of Conduct, hindi na ba magtataboy ang China ng mga eroplano o barko na “lumalapit” sa kanilang inaangking teritoryo? Ilang eksperto ang nagbigay ng opinyon na kailangang pag-usapan ang ginagawang militarisasyon ng China sa rehiyon. Ilang beses na ring nagpahayag ang China na kahit ang nais nila ay kapayapaan at katahimikan sa rehiyon, wala silang isusuko o bibitawang anumang teritoryo na inaangkin nila sa karagatan. Kailan nga lang ay nanawagan ang China sa ASEAN na magkaisa para kontrahin ang anumang bansa na “nanggugulo” lang sa karagatan. Malinaw na patama sa Amerika. Pero ang karamihan ng mamamayan sa Pilipinas ay hindi sang-ayon sa panawagan ng China, dahil mas may tiwala pa rin sa US. Ano kaya ang mga magiging pahayag nila Tillerson at Bishop sa pagtitipon na ito? Magiging matigas pa rin kaya sila sa China?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with