^

PSN Opinyon

Alyansang komunista at Muslim extremist

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

NAKAKAALARMA ang balitang ito. May binubuong alyansa­ umano ang mga komunista sa bansa sa mga Muslim extremist group.

Kaya nga nasa mataas na alerto ang ating pulisya sa Metro Manila sa posibleng paghahasik ng lagim ng pinagsanib na puwersa ng mga communist rebels­ at ang mga tinatawag na “Balik-Islam.” Ayon kay NCRPO Chief Oscar Albayalde, nakatutok ang pulisya sa intelligence report na ito upang mapigil ang ano mang masamang balak at tangka sa bansa ng mga diabolikong elementong ito.

Kaya ang tanong: Kung ang hangad talaga ng mga komunista ay magkaroon ng kaayusan sa bansa, bakit sila uugnay sa grupo ng mga terorista na ang layunin ay walang habas na pumatay at manira? Ang dapat pa nga ay tumulong sila sa puwersa ng pamahalaan sa pagsupil sa mga teroristang ito, pero hindi. Ang dahilan, iisa lamang kasi ang kanilang layunin gaya ng sinasabi sa biblia na ang diyablo ay naghahangad lamang na “magnakaw, pumatay at manira.”

Ang mga bumubuo umano ng alyansang ito ay mga dating kasapi ng nabuwag na Alex Bongcayao Brigade at ang grupo ng mga Balik-Islam na sinasabing may ka­ugnayan din sa mga extremists na naghahasik ng lagim sa bansa. Iyan naman talaga ang layunin ng mga komu­nista, aminin man nila o hindi. Ang sirain ang umiiral na sistema upang makapaghari. Mangwasak, sukdulang ikamatay kahit ng mga inosenteng mamamayan. Marxist philosophy iyan, at para sa kanila, walang ibang sistema ng pamahalaan na katanggaptanggap matangi sa sos­yalismo.

Kahit ipinakita na ng pamahalaan ang sinseridad nito na makipagkasundo sa pamamagitan ng usapang pang­kapayapaan, hindi naglubay sa panggugulo ang mga rebeldeng New People’s Army. Pati presidential convoy ng Pangulo ay binanatan.

Kaya pormal nang ititigil ang ano mang balak na pakikipag-usap sa mga komunista na wala naming kahahan­tungang maganda. Mabigat ang pinapasang problema ng administrasyong Duterte at ang bawat problema ay magkakaugnay: Komunismo, terorismo at droga.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with