^

PSN Opinyon

Malakas na mensahe

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

UNTI-UNTING lumalabas sa publiko ang mga detalye ng naganap na barilan sa pagitan ng mga pulis at tauhan ni Mayor Reynaldo Parojinog, kung saan napatay ito at 12 iba pa. Inamin ng PNP na madaling araw gina­nap ang pagsilbi ng search warrant. Pinutol din ang kuryente bago ginanap ang operasyon. Sinalubong daw sila ng putok mula sa grupo ni Parojinog, kaya napilitan silang lumaban.

Sa kabila ng pahayag ng PNP na lehitimong operas­yon ang naganap, hindi maiiwasan ang magtanong ng ilang bagay. Ang oras kung kailan ginanap ang search warrant ay kinukuwestiyon na naman. Pinutol din daw ang kuryente. Kung search warrant ang dala, bakit kaila­ngang putulin ang kuryente? Hindi ba mas madaling maghanap kapag maliwanag? Ayon sa isang opisyal ng Ozamiz City, walang palitan ng putok. Kailangan lang daw tingnan ang tama ng mga napatay, sa ulo. Patay rin ang asawa ng mayor. Nanlaban din ba siya kaya pinatay na rin?  

At may isyu rin sa CCTV. Pinutol umano ng mga pulis ang CCTV, na opinyon ni PNP chief Gen. Ronald dela Rosa ay mali. Katwiran naman ng mga pulis na nakiba­hagi sa operasyon, kailangan daw protektahan ang identity ng mga operatiba, kaya pinutol ang CCTV. Ganyan na rin ba ang magiging dahilan sa mga operasyon na puputulan nila ng CCTV? Para saan ang CCTV kung ganun? Kung inaprubahan ni Dela Rosa ang mga “body cam” para sa mga pulis, papatayin din ba nila ang camera kapag may operasyon, para protektahan ang nagsusuot?

Pero kahit ito ang mga tanong, hindi interesado ang Senado na magbukas ng imbestigasyon sa nasabing operasyon. Hindi raw ito tulad ng operasyon kay Rolando Espinosa Sr. na nakakulong na nang mapatay. Dahil operasyon ng pulis, hindi raw kailangang imbestigahan, maliban na lang kung may detalye na magpapakita na hindi ito normal na operasyon. Siguro ayaw na rin mag-aksaya ng panahon ang Senado, tulad ng pag-aksaya ng panahon sa imbestigasyon sa grupo ni Supt. Marcos, na halos inabsuwelto na. Ang mga Parojinog ay nasa listahan ni Pres. Rodrigo Duterte ng “narcopoliticians”, tulad ng mga Odicta at Espinosa, na lahat ay patay na. Wala na sigurong mas malakas na mensahe pa rito. 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with