^

PSN Opinyon

Basura at baha

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

TONE-TONELADANG basura ang inanod sa dalampasigan ng Manila Bay. Mga plastic bottle ng mineral water at softdrink, shampoo, at lahat ng uri ng basura na hindi natutunaw. Ilang araw nang malakas na ulan na may pabugso-bugsong hangin ang naranasan sa Metro Manila, kaya eto na ang basura. Malinaw na hanggang ngayon ay ginagawa pang tapunan ng basura ang Manila Bay. Wala lang mayor na nagpalitrato na namumulot ng tunay na basura. Ito na nga sana ang pagkakataon at napakarami nang basura. Humingi na rin ng paumanhin para sa ginawang “maling gimik”, at iginiit na seryoso ang lokal na pamahalaan na linisin ang Manila Bay. Mahirap din na trabaho ang paghakot ng basura mula sa dagat.

Kung may maayos na recycling center ang Metro Manila, sa tingin ko ay hindi aabot ng ganito karami ang basura sa Manila Bay. Puwedeng pagkakitaan ang mga materyales na magagamit muli. Karamihan ng mga plastic na ginagamit ngayon ay pwedeng i-recycle. Pero dahil hindi pa nga maayos nang husto ang sistema, nagiging basura lang na sa panahon ay ibinabalik din sa atin ng karagatan. Mahina rin kasi ang mga batas na nagbabawal sa pagtatapon ng basura sa dagat. Kaya wala talagang masisisi kundi ang sarili natin.

Problema pa rin ang pagbaha sa Metro Manila kapag tuloy-tuloy ang ulan. Taun-taon na lang, sa kabila na may “flood control projects” ang lahat ng nakaraang administrasyon, baha pa rin sa mga kilalang lugar. Kulang pa rin daw ang mga pumping stations para sa Metro Manila, at dahil mahal ang mga proyekto para labanan ang pagbaha sa lansangan, hindi agad nagagawa ang mga ito. Matagal din daw ang proseso. Hindi rin nakakatulong ang patuloy na pagtapon ng basura sa mga estero, pati na rin ang kinatatayuan ng mga tahanan ng informal settlers. Iyan ang dapat tukuyin ng mga lokal na pamahalaan, kung gagawin nila, kung kaya nila. Sa madaling salita, alamin na lang ang mga lugar na binabaha kapag umuulan, at iwasan. Matagal pa bago maayos ng anumang administrasyon ang mga problema ng pagbaha sa Metro Manila.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with