^

PSN Opinyon

Interes ng bansa

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

NGAYON pa lang, may mga nagsasabing kailangang mag-ingat ang bansa sa pinaplanong “joint exploration” kasama ang China. Nagpahayag si Pres. Rodrigo Duterte na matutuloy na ang sinasabing “joint exploration” kasama ang China. Nasa bansa rin si Chinese Foreign Minister Wang Yi para lagdaan ang kasunduan para sa kooperasyon sa pagitan ng dalawang bansa. Nanawagan din siya sa mga bansa ng ASEAN na maging­ kabalikat ng China kontra sa mga bansang “nanggugulo” sa rehiyon. Sigurado tinutukoy nito ang US. Pero kung nananawagan ang China sa ASEAN na magkaisa sila, bakit patuloy pa rin ang pagbabanta nito sa mga bansang ASEAN pagdating sa teritoryo?

Ayon kay dating Ambassador to the US Jose Cuisia, dapat matagal nang umalis ang China sa mga teritoryo na “inagaw” nila sa bansa, tulad ng Panatag Shoal, kung talagang mabuti silang kaibigan. Sinegundo rin ni dating National Security Adviser Roilo Golez na baka maagrabiyado lang ang bansa kung matuloy ang “joint exploration”. Alam ko ang saloobin ni Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio sa isyu na ito, na siyang ipinag­lalaban na ng ilang taon.

Ang Vietnam nga ay hindi nakipag “joint exploration” sa China. Kaya naman binantaan ng China ang Vietnam na itigil na ang pagsusuri at paghahanap ng langis, kung hindi ay sasalakayin daw ang mga isla na hawak ng Vietnam. Ewan ko kung paano matatawag na maayos na kapitbahay ang ganyan. Ang mga isyu ng Vietnam sa China ay pareho rin sa mga isyu natin.

Sa ngayon, wala nang magagawa kundi tanggapin ang direksyon ng Duterte administration hinggil sa mga isyu na ito. Sana lang na sa dami ng nagbibigay ng mga babala tungkol sa China, maging maingat din ang gobyerno. Kailangan ang interes ng Pilipinas ang mangi­babaw at hindi ang interes ng ibang bansa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with