^

PSN Opinyon

Para walang masabi ang tao

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. - Pilipino Star Ngayon

KUNG inaasahang maglalabasan muli ang magara at mamahaling alahas ng mga mambabatas, marami ang na-disappoint nitong huling State of the Nation Address. Taliwas sa nakasanayan na ng lipunan na patalbugan sa laki at kinang ng mga hikaw, singsing, kuwintas, korona, relo, purselas, damit, bag at sapatos sa red carpet walk ng Kongreso, ang mga mambabatas at kalihim ay nag-low profile noong Lunes. Bilang respeto sa patuloy na hidwaang nagaganap sa Marawi, walang nangahas na mag-agaw-eksena gaya ng karaniwang nangyayari sa mga nakaraang administrasyon.

Pati pala mga milyonaryong opisyales ng pamahalaan ay kaya ring awatin ang sarili. At dapat lang. Hindi lamang sa respeto sa mga pinagdaraanan ng ating mga kapatid sa Mindanao. At hindi rin dahil sa batas na nagbabawal sa walang pakundangang pag-display ng kayamanan sa oras ng paghihikahos ng bayan. Dapat lang awatin ang sarili dahil ang pagmamalaki ay hindi karapat-dapat sa mga taong piniling maging lingkod bayan.

Ang government officials at employees ay, sa lahat ng panahon, inaasahang maging magandang halimbawa sa bansang pinaglilingkuran. Sa kabila ng isinasagawang reporma upang maging mas kaaya-aya ang kita sa gobyerno, kapag itapat ang pampublikong sahod sa ka-level nitong posisyon sa pribadong sektor, malayo pa rin ang agwat. Subalit hindi naman ito ang habol ng mga may puso sa serbisyo publiko. Ang mismong pagkakataon lamang na makapaglingkod sa bayan ay higit na mahalagang konsolasyon sa kanila. Ito ang kabayarang hindi matatawaran.

Kaya tama si President Duterte. Iyang mga nagpapakilalang opisyal para lamang matakasan ang violation at parusa sa paglabag ng batas trapiko, dapat lang ikulong. Ang dating pinangangalandakang espesyal na plaka – mga 1 hanggang 9 – ay kanselado na mula ngayon. Sa mga inisyatibo ng Presidente para sa wakas ay maayos na ang matagal nang bulok na sitwasyon ng trapiko, walang maitutulong na mabuti ang pagpatuloy ng kultura ng yabang. No special treatment, aniya. Para walang masabi ang tao.

Sa ganyang pamantayan, Mr. President, may masasabi ang tao. Bravo, Sir!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with