^

PSN Opinyon

Fake news ni Imee

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

‘I’m sorry,’ parang ganito ang gustong ipahiwatig ni Ilocos Norte Governor Imee Marcos, sa ginawang pagdinig the other day ng House Committee on Good Government and Public Accountability, sa ilang kongresista doon matapos kulitin ni Ilocos Norte at House Majority Leader Rudy Fariñas ang una para inguso nito ang kanyang ‘soy sauce’ este mali source pala tungkol sa diumano’y P100 million bribery na ibinigay daw sa ilang mambabatas para siya ipakulong?

Anong nangyari?

Ayon umamin din si Imee na gawa-gawa lamang niya ang balita kaya lumalabas na ito ay maliwanag pa sa sikat nang araw na ‘fake news?’

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, napagbintangan pa ang mga kongesista kahit walang binanggit kung sinu-sino sila sa diumano’y pagtanggap ng salapi para makalaboso si Imee?

Naku ha!

Ano ba ito?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, humingi ng ‘sorry’ si Imee sa harapan ng ilang kongresista. Kaya ano naman kaya ang magiging penalties niya sa kumalat na ‘fake news?’

Ano kaya?

Kambiyo issue, lumabas na sa lungga matapos ang mahigit sa 2 months sa pagkakakulong ang tinaguriang “Ilocos 6’ matapos siputin ni Imee ang hearing sa P66.4 million tobacco excise tax sa mga biniling mga sasakyan last 2011 up to 2012.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, abot hanggang langit ang pasasalamat ng “Ilocos 6” ng makita nila si ‘Idol’ este mali si Imee pala sa Kamara na ginagawang longganisa este mali ginigisa pala ng mga kongresista sa question and answer portion ng komite regarding sa paraan ng pagbili ng mga sasakyan gamit umano ang mga cash advances.

Ang mga pinalaya ay sina Pedro Agcaoili, Josephine Calajate, Eden Battulayan, Encarnacion Gaor, Genedine Jambaro at Evangeline Tabulog, ipinatanggal ni Fariñas ang contempt order laban sa kanila matapos silang tumangging makipag-cooperate sa hearing.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, aminado si Imee na dehins dumaan sa subastahan blues ang dalawa sa mga transaksyon dahil ito aniya ay direct contrac­ting, na minsan ay pinayagan ng Bids and Awards Committee.

AMLA sa casinos

MALABO na sigurong maglaba-laba ng mga kinurakot na salapi sa casino ang mga sindikatong gustong - gustong  magsagawa ng kanilang criminal operations sa Philippines my Philippines dahil umentra na ang Anti-Money Laundering Act o AMLA sa mga casino, kasama ang internet at ship-based.

Sabi nga, tinuklaw este mali saklaw pala ng AMLA ang mga casino.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, pirmado na ni Boss Digong ang Republic Act No. 10927 o An Act Designating Casinos as Covered Persons under Republic Act No. 9150 o mas kilala bilang Anti-Money Laundering Act of 2001.

Naku ha, mga gago patay na kayo!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nasusulat sa new law na ang isang casino cash transaction na may P56 million o katumbas nito sa ano mang currency ay itinutu­ring na “covered transaction” at dapat i-report sa Anti-Money Laundering Council.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang Republic Act 9160, ay puedeng maglabas ng 20 araw na freeze order ang Court of Appeals sa anumang ari-arian o salaping sangkot sa illegal activities.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, noong nakaraan may pumutok na balita at naging ‘talk of the town’ ang ilang Chinese high rollers na mga client ni Kim Wong, nilaro nila ang tinirang US$81 million dyan sa Solaire casino na salapi ng Bangledesh na ninakaw sa Federal Reserve Bank sa New York, US of A at inilipat sa account ng 6 Filipinos sa RCBC Jupiter branch last 2016.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa ginawang pangangalkal ng Senado tungkol sa isyung ito inginuso ang isang Maia Deguito,RCBC bank manager na sabit sa krimen, si Wong, may-ari ng Eastern Hawaii Casino, na nag-o-operate sa ilalim ng lisensiya ng Cagayan Export Zone Authority, at kilalang nasa likod ng malalaking gambling operations sa Philippines my Philippines.

‘Maulit pa kaya ang mga style na ginawa ng mga nagsabwatang mga gagong sindikato?’ tanong ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

Iyan ang abangan natin mga Kamote!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with