^

PSN Opinyon

‘Mas matapang na SONA’

CALVENTO FILES - Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

Hotline: 09198972854

Tel. No.: 7103618

ANG STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA) ni Presidente Rodrigo Duterte ang isa na sa pinakamahabang SONA kapag mga salitang nabigkas ang napag-uusapan. Ito’y ayon sa mga speech analyst na nakinig ng SONA.

Maganda ring tingnan na ang ating mga babaeng Representante at mga Senador ay gumamit ng kasuotan na inspired sa Marawi upang gunitain ang pinagdadaanan ng ating mga kapatid at kababayan doon.

Si Presidente Duterte ay ilang beses na lumihis sa ginawang speech ng kanyang mga speech writers at nagsalita mula sa puso. Inilabas ang kanyang mga saloobin mabuti man o masama laban o mga papuri man sa ilang grupo ng mga tao.

Isa sa tinalakay niya doon ay ang estado ng ating kalikasan at ang pagmimina sa bansa.

Tinalakay niya ang negatibong resulta ng pagmimina. Maraming mga tao ang nawawalan ng hanapbuhay dahil nasira na ang kalikasan na pinagkukunan nila ng pagkain.

Ang mga mangingisda ay hindi na makapanghuli pa dahil marumi na ang tubig na dumadaloy nang dahil sa mga minahan.

May mga palayan na din ang hindi mataniman dahil nagbibitak-bitak na ang lupa. Nasisira ang water shed ng bansa at ilan pang ikinabubuhay ng mga simpleng mamamayan.

Nang iupo ni Presidente Duterte si Gina Lopez bilang Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary ay mahigpit niyang binantayan ang mga kompanya ng minahan kung sumusunod ba sila sa batas.

Sinuportahan siya ni Presidente Duterte kahit na iniutos niya ang pagkakansela ng mahigit 75 kontrata ng minahan sa bansa.

Isa sa isinaalang-alang ni Lopez nun ay ang kapakanan ng mga pamilyang naaapektuhan at napeperwisyo nang dahil sa pagmimina.

Sinabi niya pa na kung hindi niya iisipin ang mga ito ay wala nang tutulong sa kanila gayung ang mga pamilya ng ito ang nawawalan ng hanapbuhay habang ang mga minahan ay kumikita ng malaki.

Ang pagiging Secretary ng DENR ay may tungkuling pangalagaan ang kalikasan o likas na yaman ng bansa. Malinaw ito kay Lopez dahil nakita niya mismo na nagkakaroon ng butas butas ang mga bundok na nagiging sanhi ng landslide.

Sino ba ang nalalagay sa panganib pag nagkaroon ng landslide sa lugar? Hindi ba’t ang mga mamamayan na nakatira sa paligid ng bundok na ito at hindi naman ang mga may-ari ng minahan.

Kahit anong ganda pa ang ipinakita ni Lopez bilang pagtugon sa kanyang tungkulin ay hindi pa din inaprubahan ng Commission on Appointments ang pagkakatalaga sa kanya ng Presidente.

Sa SONA ng Presidente sinabing niyang mayaman ang ating bansa. Ang kayamanan na ito ay maging isang produkto para sa local at international purposes.

Sa ganitong paraan hindi lang kakaunti ang magiging mayaman kundi maging ang maraming mahihirap ay makikinabang dito.

Proteksyon ng kapaligiran ang kinakailangang unahin dahil ito ang bumubuhay sa atin at sa ekonomiya ng bansa. Nagbigay din siya ng warning sa lahat ng mining operations at contractors na iwasan ang iresponsableng pagkasira ng mga watersheds, kagubatan at aquatic resources.

Kumikita ang  gobyerno ng 70 bilyong piso kada taon ngunit maliit lang daw ito dahil malaki ang kinikita ng pagmimina. Tamang pagbabayad ng buwis ang hiling ng Presidente.

Inuutusan niya din ang mga kompanya ng minahan at mga opisyal nito na magkaroon ng paglilinis, restoration at rehabilitation sa lahat ng parte na nasira nang dahil sa ginagawa nilang pagmimina.

May mga komunidad din na nagkakasakit epekto ng pagmimina sa kanilang lugar at dapat na suportahan ito ng mga mining companies. Maging ang kanilang kabuhayan at kapaligiran ay naapektuhan.

Paglilinaw ng Presidente pinayagan niya ang pagmimina dahil naibigay naman ng mga kompanyang ito ang lahat ng requirements na hinihingi ng batas.

Ang mga apektadong mamamayan ay dumidiskarte na lang kung ano pa ang mapupulot o magagawa nila para mabuhay kahit na nasira na ang kanilang kabuhayan.

Para silang dumampot ng basura ng isang malaking kompanya para mabuhay. Paano nila masusustentuhan ang kanilang pamilya kung ang pinagkukunan nila ng kabuhayan ay sira na?

Paano ka mangingisda kung ang tubig na pinangingisdaan mo ay kulay itim na? Yung mga magsasaka na kahit na ilang ulit magtanim ay hindi na tutubo ng maganda ang kanilang mga pananim dahil bitak bitak ang lupa.

Masasayang lang ang kanilang puhunan at pagod kung sa dulo nito ay mamamatay lamang naman ang kanilang mga halaman.

Linisin ng mga kompanya ng minahan ang dumi at sinira nila at gumastos sila para dito kung hindi ay papatawan sila ng malaking buwis ng Presidente. Gagamitin naman niya ang pera para matulu­ngan ang mga taong nagdurusa habang kumikita ang mga minahan.

Ibinigay pang halimbawa ng Presidente ang Diwalwal na ang ilog doon ay kulay itim na ang tubig.

Nung nasa posisyon pa si Lopez minsan na din niyang hiniling na itigil ang open pit dahil nagbubutas-butas lang ang lupa. Pagdating ng ulan naiipon lang doon ang tubig at pagdating ng panahon ay magiging dahilan ito ng landslide.

Kung hindi natin mamahalin ang kalikasan na bumubuhay sa atin kapag ito ang gumanti sa lahat ng paninirang ginawa natin ay wala tayong takas.

Ilang malalakas na lindol at bagyo na ang dinanas ng bansa at hanggang ngayon ay hindi pa lubusang nakakabangon ang mga naapektuhan nito.

Maging responsible dapat  tayo lalo na ang mga minahan at isaalang-alang ang kapakanan at kaligtasan ng mga mamamayan kaysa sa perang makukuha nila.

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with