^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Sige, bagsikan pa ang laban sa drug syndicates

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Sige, bagsikan pa ang laban sa drug syndicates

HINDI natatakot at hindi lalambot ang puso ni Pres. Rodrigo Duterte sa mga nagpapakalat ng illegal drugs at sa mga kriminal. Tuloy ang laban­ sa kanila at hinikayat pa ni Duterte ang Kongreso na ipasa ang death penalty law para sa drug traffickers at gumagawa ng karumal-dumal na krimen. Sa kanyang ikalawang State of the Nation Address (SONA) noong Lunes, sinabi ni Duterte na nasimulan na niya ang pagbaka sa illegal drugs at magpapatuloy ito at hindi siya magsasawa kahit pa tumagal ito bago lubusang maresolba. Mariin niyang sinabi na ang illegal na droga ang ugat nang lahat ng kasamaan. Dahil sa paglaganap ng droga maraming nagsa-suffer. Ayaw niyang masira ang buhay ng mga kaba­taan dahil sa kagagawan ng drug traffickers. Dahil din sa paglaganap ng droga kaya humihina ang pagpasok ng foreign investment. Kaya wala raw makapipigil sa kanya para lalo pang paigtingin ang pakikipaglaban sa illegal drugs. Ito rin ang isa sa kanyang campaign pro­mise.

Nararapat na bagsikan pa ang pakikipaglaban sa drug syndicates. Sa kasalukuyan, sa kabila ng kampanya, patuloy pa rin ang pagdagsa ng droga. Maski sa New Bilibid Prison (NBP) ay muling nabuhay ang drug trade. Halos araw-araw ay may nasasabat na shabu at tila walang pagkaubos. Parang balon na hindi maubos ang supply ng shabu sa bansa. Nararapat na husayan pa ng drug enforcement agencies kung saan nagmumula ang illegal na droga at kung bakit hindi maubus-ubos.

Sunud-sunod ang mga krimen na ang ugat ay paggamit ng shabu. Pinatay ang limang miyembro ng pamilya sa San Jose del Monte, Bulacan. May ginahasang bata at pinatay sa Bulacan din. Kahapon, may natagpuang bangkay ng batang babae sa Pampanga na ginahasa muna bago pinatay.

Ang lahat nang ito ay dahil sa shabu.

Bangisan pa ni Duterte ang pakikihamok sa illegal­ na droga. Kawawa ang mga kabataan na nalululong at nabibiktima.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with