^

PSN Opinyon

Bakbakan na hamon ni Boss Digong

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

“LET’S stop talking, let’s start fighting. I have decided to abandon the talks,” Ito ang nanggagalaiting binesa ni Boss Digong the other week.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang mga tirada ni Boss Digong sa itaas ay patungkol sa Communist Party of the Philippines - New People’s Army - National Democ­ratic Front o CPP-NPA-NDF.

Ika nga, bakbakan na!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, inamin ni Boss Digong sa kanyang ‘maestro’ si CCP foun­ding chairman Joma Sison na totoong binu-bully niya ang mga komunista sa entire Philippines my Philippines tulad ng sinasabi nang huli.

Sabi nga, pikon na pikon na si Boss Digong sa mga tirada ng kilusang komunista sa gobyerno niya.

Sinabi ni Boss Digong ang mga pahayag niya sa harapan ng mga invited guest sa Davao Investment Conference last week.

“You’re right, Mr. Sison, I bully people who try to topple the government,” birada ni Boss Digong.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ipinagwagwagan ni Boss Digong na hotraba niya bilang panggulo este mali pangulo pala na bantaan ang mga kriminal, kalaban ng estado at tigukin sila.

“That’y my job, to bully you, the criminals, enemies of the state, threaten you and to kill you,” patutsada ni Boss Digong.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hinamon ni Boss Digong ang mga komunista na ilaban na ang ma-e-erap nilang alipores na ang karamihan ay mga luma este Lumad pala para mawindang ng mga government troops.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, aminado si Boss Digong na pagod na siya sa pakikipag-usap sa mga tirador este mali lider pala ng komunista, at sayang lang ang time element niya.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, oras na magsitakbo na ang Maute-ISIS sa Marawi City ang NPA naman ang hahabulin ng mga militar.

Sabi nga, magtago na kayo!

Ika nga, banatan dito, bakbakan doon ang maaring mang­yari.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nabuwisit si Boss Digong nang ambusin ng NPA ang PSG sa North Cotabato kaya sa inis nito, binura ng government of the Philippines my Philippines ang backchannel talks sa komunista.

Sabi nga, sa ambusan blues isa ang dedbol at apat ang sugatan sa PSG pagkatapos nagtakbuhan na parang daga ang mga tumira papunta sa lungga nila para hindi sila mahanap ng mga rumesbak na mga pusa este mali sundalo pala.

Ika nga nandaya ang mga komunista.

Abangan.

* * *

  Wanted for murder

AT - LARGE pa pala ang mga animal na killers ni Michael J. Garing kaya naman pursigido at agresibong hinahanap sila ng mga kapulisan ng Naujan, Oriental Mindoro, para panagutin ang mga gagong mga kamote sa kasong murder.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nagpalabas ng warrant of arrest na inisyu ni RTC Judge Tomas Leynes, Calapan, Oriental Mindoro,  para sa mga wanted sa kasong murder na sina John Neil (Jonel) Gaba Alcobera,  Sandy Gelena, Haries Gelena at isang John Doe.

Ang mga ito ang inakusahan ng murder sa pagpatay sa kawawang biktimang si Michael J. Garing ng Naujan.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, Umaasa ang mga magulang ni Garing na sa lalong madaling panahon ay masasakote ng kapulisan ang mga buhong na ito.

‘Mas mabuting sumuko na lamang ang mga Kamote kaysa manlaban pa sila dahil tiyak sa kangkungan sila pupulutin oras na pumalag sila sa pulisya,’ sabi ng kuwagong SP0 - 10 sa Crame.

Abangan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with