^

PSN Opinyon

Walang ‘big fish’ na malambat

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

KUNG nagkakandamatay man ngayon Ang mga sangkot sa droga matapos na walang humpay ang panana­lakay ng mga pulis sa mga lugar nito, maari nating nagtagumpay rito si Pres. Rodrigo Duterte sa kanyang giyera sa droga. Di ba mga suki? Subalit ang magandang programa ni Duterte mukhang di na kayang kontrolin ng mga pulis matapos sabayan ito ng vigilantes kuno.   Ang walang patumanggang pagpatay ng mga riding-in-tandem sa kalye at pagpatay ng mga Bonnet Gang sa mga bahay-bahay na hanggang sa ngayon ay hindi pa nareresolba ni PNP chief Dir. Gen. Ronald “Bato” dela Rosa.

Kung sabagay kaliwa’t kanan na ngayon ang pinipresentang kilo-kilong shabu ng Philippine Drugs Enforcement Agency at National Bureau of Investigation  subalit mukhang hindi kuntento ang sambayanan dahil wala pang “big fish” ang nalalambat. Puro pipitsu­ging ayungin lamang ang nalalambat sa mga patibong ng mga ahensiya. Kayat tuloy pa rin ang kalakaran ng droga sa kaharian ni Duterte. Kamakailan, sinalakay ng mga trusted ni Duterte ang New Bilibid Prisons kung saan sangkaterbang armas at patalim ang nadeskubre at siyempre hindi pahuhuli riyan ang shabu at drug paraphernalias.

Malinaw na nagbulag-bulagan o nalulusutan ang Special Action Force, napilitan lamang itong balasahin matapos na mag-ingay si Justice secretary Vitaliano Aguirre na ang kalakaran ng droga sa bilibid ay nagbalikang muli. Kaya upang malinis ni General Dela Rosa ang moral ng SAF agad niya itong binalasa. Iyan din ang hinihintay ng sambayan sa hanay ng PNP, dahil ayon sa aking mga kausap nararapat nang balasahin ang lahat ng pulis sa Metro Manila dahil sa walang humpay na pagpatay ng mga riding-in-tandem at bonnet gang.

Lumalabas na mas pinagkakaabalahan ngayon ng ilang pulis ang pangungolekta ng tara sa mga pasugalan kaysa ang paghabol ng mga pusakal na riding in tandem at bonnet gang. Hehehe! Kaya maging si PCSO general manager Alexander Balutan ay nagpahayag na ititigil na ang pagbibigay ng P154 milyon sa PNP at ibibigay na lamang ang naturang halaga sa AFP at NBI.  Marahil bistado na ni Balutan na bulsa muna ang inuuna ng PNP kaysa sa pagsawata ng illegal gambling sa bansa. Get mo chief ‘Bato’ Sir?

Nagsagawa ng 2nd MPDPC bloodletting, “Dugo ko alay sa mga bayaning pulis at Sundalo” Ang bloodletting activity ay inorganisa  ng Manila Police District Press Corps (MPDPC) upang ialay sa mga sundalo at mga pulis na ibinubuwis ang buhay sa pakikipagsagupa sa Maute sa Marawi City. Mismong si MPDPC President Mer Layson ang nanguna sa maghapong bloodletting activity, na ginanap sa multi-purpose hall ng MPD headquarters sa United Nations Avenue sa Ermita, Manila noon Sabado. Katuwang ang pamunuan ng Philippine Red Cross (PRC) sa pangunguna ni Dr. Norberto Caparas, MPD Director Chief Supt. Joel Napoleon Coronel, Philippine Coast Guard, PMRS riders Group sa pangunguna ni Angel Enriquez, mga siklista, at iba pa. Matagumpay ang aktibidad ng MPDPC, na dinaluhan ng mahigit 200 blood donors. Kabuuang 151 bags ng dugo na 450-cc ang nalikom ng PRC. Maging ang striker ng MPDPC na si Richard “Goma” de Guzman ay nag-donate ng kanyang dugo. Tiyak ko na direktang makikinabang sa aktibidad na ito ang mga pulis at mga sundalo na nasugatan sa pakikipagbakbakan sa mga terorista sa Marawi.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with