^

PSN Opinyon

Dagok sa industriya

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

MAY dagok na naman sa industriya ng mga banko. Nahuli ang isang mataas na opisyal ng Metrobank, dahil sa pagkakasangkot sa mga iligal na pagpapahiram ng pera sa mga pekeng kliyente. Pineke umano ang mga pirma ng mga kilalang kliyente ng banko, para ipalabas na humihiram sila nang malalaking halagang pera. Tinatantya sa P900 milyon ang ipinahiram umano ng banko sa mga hindi awtorisadong transaksiyon, maaaring mas malaki pa. Nahuli na ang pangunahing suspek, pero kung mababawi pa ang perang nawala ay hindi na matiytak. Tiniyak naman ng nasabing banko na hindi apektado ang mga kliyente sa naganap na panlilinlang. Bakit uma­bot sa ganitong kalaking halaga bago nahuli ang suspek? May ibang kasabwat ba sa banko? Sigu­rado bang nag-iisa lang siya sa operasyon na ito? Ganito na ba kadali mameke ng mga transaksiyon sa banko? 

Sunud-sunod na ang dagok sa industriya ng banko. Ang ninakaw na $81 milyon mula sa RCBC noong 2016. Ang dalawang araw na naging paralisado ang operas­yon ng BPI, dahil sa problema sa computer. Ang mga makina ng ATM ng BDO na nakunan umano ng mga di awtorisadong paglabas ng pera. Ang ilan pang mga insidente ng mga nakunang pera mula sa mga ATM, dahil may pamamaraan ang mga kriminal na malaman any PIN number. Tila nandito na ang konsentrasyon ng operasyon ng mga may masasamang hangarin. Nakita nila ang kahinaan ng ilang proseso at sistema ng mga banko at pinagsamantalahan. Kaya kailangan palakasin ng mga banko ang kanilang seguridad, hindi lang sa mga ATM kundi pati na rin sa internet, kung ayaw nilang maging sunod na biktima.

Mas ligtas siguro, o para mahirapan man lang ang mga magnanakaw, kung ang mga ATM ay nasa loob ng banko, at hindi sa labas o tabing-kalsada. Dapat ilang CCTV din ang nakatutok sa mga ATM, at mas maganda pa kung may nakabantay na guwardiya. Iba na rin ang mga magnanakaw ngayon kaya dapat iba na rin ang mga seguridad. Maaaring mas magastos para sa mga banko, pero mas malaki naman ang mawawala kapag manakawan na sila.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with