^

PSN Opinyon

Mga musmos gagawin nilang suicide bombers

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

BAKIT nagre-recruit ng mga batang edad 10-15 ang Maute, Ansar al-Khilafah Philippines, at Abu Sayyaf? Hindi nila mapapakinabangan ang mga musmos sa frontlines; maliit pa ang bulas para magbitbit ng high-power rifles. Pero magagamit sila bilang espiya, portero, hostage, at human shield. Habang binubulag sa extre­mism, minamanhid na ang mga murang isip sa pamamagitan ng pagpakita sa kanila ng pugotan at patayan. Hindi maglalaon magiging mala-robot na suicide attackers nila ang mga bata. Matutupad nila ang desperadong panawagan ng Islamic State na nalilipol na sa Iraq at Syria. Makakapang-terrorize sila sa Asya.

Dati nang nilantad ng International Labor Organi­zation ang paggamit ng child soldiers sa mga magugulong lugar sa Asya, Middle East, at North Africa. Sinaliksik din ito ni Merliza Makinano sa “Child Soldiers in the Philippines.” Hinihikayat ng komunistang New People’s Army ang mga bata sa pamamagitan ng allowance, sigarilyo, at riple. Ang mga Abu Sayyaf, dinagdag pa diyan ang droga at pangakong scholarship sa ibang bansa. Pangsilaw ng AKP ang boladas na P100,000 sa magulang ng bata oras na dumating sila sa bakbakan sa Marawi City, at P25,000 pa kada buwan. Ani Dean Julkifli Wadi ng University of the Philippines-Institute of Islamic Studies, pinapaniwala ang mga bata na para sa Diyos at Bangsamoro ang jihad o digmaang banal. Ang paglaban ay direktang landas kuno sa Langit. Kapag mamatay ay sasalubungin ang martir ng 72 na birhen sa Paraiso. Dagdag ni Prof. Yasmira Mojer, Iligan Institute of Technology, sinasamantala ang pagnanais ng mga naulila ng Moro secession na maghiganti. Inuukit sa isip nila ang kawalan ng hustisya kaya dapat pumatay.

Pag-aralan dapat ang karanasan ng Israel, Palestine, at Europe sa mga lone-wolf suicide attackers. Karamihan sa kanila ay menor de edad.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with