^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Babala sa irresponsible miners at komunista

Nelson Beltran - Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Babala sa irresponsible  miners at komunista

DALAWANG oras ang State of the Nation Address (SONA) ni Pres. Rodrigo Duterte kahapon. Hindi siya nagbanggit ng mga nakamit ng kanyang admi­nistrasyon sa loob ng isang taong pamumuno, sa halip pawang babala at pagbabanta ang kanyang sinabi. Mas mahaba ang kanyang ad lib kaysa sa nakahandang talumpati sa wikang English.

Una niyang binalaan ang mga iresponsableng mining company na tigilan na ang mga ginagawa sapagkat nasisira ang pinagkukunan ng ikabubuhay ng mga magsasaka. Nasisira ang mga palayan at ilog. Tigilan na ito sapagkat kawawa naman ang kapaligiran na sobra na ang pagkasira. Oo nga’t may naitutulong ang pagmimina sa kaban ng bansa pero maliiit lang ito.

Binantaan din niya ang Communist Party of the Philippines (CPP) dahil sa walang tigil na pagsa­lakay ng political arm nitong New People’s Army (NPA) na maski siya ay pinagtangkaan umanong ambusin nang magtungo sa Marawi. Nilinaw niya na hindi na itutuloy ang pakikipag-peace talks sa CPP-NPA o mga makakaliwang grupo. Marami umanong demand ang mga komunista. Tama na raw ang pakikipag-usap kay CPP leader Jose Maria Sison na kasalukuyang nasa The Netherlands at nag-uutos lamang nang nag-uutos.

Hindi pa nasiyahan, pagkatapos magsalita sa SONA, hinarap ng Presidente ang mga militanteng nagra-rally sa labas at kinastigo ang mga ito hinggil sa ginagawa ng NPA kaugnay sa mga pang-aambus sa kabila na may pag-uusap na ukol sa kapayapaan. Sabi ng Presidente, ibibigay niya kung ano ang gusto ng mga komunista. Wala raw problema.

Bukod sa mga iresponsableng miners at mga makakaliwa, muling nagbanta si Duterte sa drug traffickers at muli rin niyang inulit ang pagbabalik ng death penalty.

Umaasa ang mamamayan na ang mga pagbabanta ni Duterte ay magkakaroon ng bunga. Aasahan ito ng mamamayan at aabangan sa muli niyang SONA. Kung walang nagbago sa kabila nang mabangis na pagbabanta at babanta, dapat niyang tanungin ang sarili. Pero sana, may mangyari.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with