^

PSN Opinyon

Maraming salamat

DURIAN SHAKE - Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MARAMING salamat sa mga nakakaintindi sa sitwasyon ng mga sundalo na napasabak sa bakbakan sa Marawi City at sa ibang areas ng Mindanao. 

Katulad lamang ng ginawa ng AirAsia na rumesponde agad sa post ng isang netizen ukol sa overweight na bagahe ng tatlong sundalo na kailangan nilang magbayad pa nga. 

At nakakatuwa namang isipin na ang mga kapwa nila pasahero ang nag-ambag-ambag para mabayaran o ma-accommodate man sa kanilang mga alloted bagahe kung ano man ang hindi kayang bayaran ng tatlong sundalo. 

At ang AirAsia naman ay agad-agad na nagbigay ng libreng 40 kgs na baggage allocation at libreng meals sa mga sundalong bumibiyahe.

Sinimulan ng AirAsia ang handog na libreng bagahe sa mga tropa natin at sumunod na rin ang Cebu Pacific at Philippine Airlines sa kanya-kanyang handog din para sa ating mga sundalo.

Saludo ako sa ating  mga sundalo at hinahangaan ang ginawa ng airlines para sa tropa. 

Mabuhay po kayong lahat!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with