^

PSN Opinyon

Hindi raw puwedeng magmalinis ang US

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

SA kabila ng pag-imbita ni Pres. Donald Trump kay Pres. Rodrigo Duterte na opisyal na dumalaw sa US, na siya namang hindi ikinatuwa ng ilang Amerikanong mambabatas, nagpahayag na si Duterte na wala siyang planong dalawin ang naturang bansa, ngayon o kahit pagkatapos ng kanyang termino. Kasalukuyang may pagdinig sa Kongreso ng US hinggil sa mga epekto ng paglalabag sa karapatang pantao na nagaganap umano sa bansa, partikular ang mga napapatay na sa kampanya kontra ilegal na droga ni Duterte. Magbibigay testimonya nga ang nakaligtas sa isang operasyon ng mga pulis, na basta na lang sila inakusahan na sangkot sa iligal na droga at pinagbabaril. Kaya nang imbitahan ni Trump si Duterte na dumalaw sa US, agad may masamang reaksyon mula sa ilang mambabatas. Nakahanda namang dumalaw ni Trump sa Pilipnas sa Nobyembre.

Malinaw na galit si Duterte sa US, partikular kay da-ting Pres. Barack Obama. Kaya naman hindi rin nagpigil ng mga sasabihin si Duterte nang malaman ang planong pag-protesta ng ilang mambabatas sa kanyang pagpunta sa US, kung matuloy man. Iimbestigahan din daw ang US para sa paglabag sa karapatang pantao. Hindi raw pwedeng magmalinis ang US sa aspetong ito, na minsan ay ipinakita na nga ni Duterte ang mga larawan ng mga pinatay ng mga Amerikano na Moro.

Ang layunin ng US Congress sa pag-imbestiga ay para magdesisyon kung papayagan pa o babawasan ang mga tulong militar at armas sa Pilipinas. Magiging mabigat ang testimonya ng nakaligtas sa “tokhang”. Pero sa ngayon, wala na sigurong pakialam ang gobyerno kung mababawasan o hindi na magbibigay ng tulong ang US, dahil malapit na sa China at Russia. Hindi rin nakapagtataka na binatikos din ng mga kilalang kaalyado ni Duterte ang US, na nakikialam umano sa mga patakaran ng bansa. Dapat imbestigahan muna nila ang kanilang sarili, bago mag-imbestiga sa ibang bansa. Hindi raw tayo ang pang-51 estado ng US, ayon kay PNP chief Dir. Gen. Ronald dela Rosa. Sigurado hindi titigil ang bangayan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with