^

PSN Opinyon

Face the music Gov. Marcos

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

PARA matapos na ang usapin sa maanomalyang paggamit sa P66.4 milyong pondo na dapat ay para sa mga nagtatanim ng tabako sa Ilocos Norte, dapat personal nang humarap sa Kamara si Governor Imee Marcos.

Sa July 25 na ang huling hearing ng House committee on good government and public accountability sa pamumuno ni Rep. Johnny Pimentel. Tungkol ito sa mga kwestiyonableng transaksyon ng provincial government ng Ilocos Norte sa pagbili ng 115 sasakyang nagkakahalaga ng P66.4 milyong pondong dapat ay para sa mga magsasaka ng tabako.

Heto ang mga tanong na dapat niyang sagutin: Bakit walang public bidding sa pagbili ng mga sasakyan? Bakit cash advance ang naisipang gamiting pambili? Bakit gina­law ang pondong mula sa excise tax sa tabako na paglabag sa Republic Act 7171?

Kung mayroon sanang kumpletong mga dokumento sa paper trail ng transaksyong, puwede na nang wala si Imee. Kaso, wala. Ang mga empleyadong nakapirma o may alam sa mga papeles ay tikom ang bibig. Mas ginusto pa ang ma-contempt at makulong sa Batasan complex! Kaya nga sabi ng dalawang deputy speaker ng Kamara, dapat na si Marcos mismo ang magpaliwanag. Si Gov. Imee Marcos lang puwedeng magbigay-linaw, dahil pirmado niya lahat ang mga dokumento. Mas mabuti ani, Deputy Speaker Garcia-Albano, kung makakapagdala si Marcos ng mga orihinal na papeles para patunayan sa depensa niyang legal at walang sabit ang mga tran­saksyon.

Anang mga Mambabatas, malinaw na may tinata­gong iregularidad ang gobernadora sa kanyang mga palusot at patuloy na di pagsipot sa Kongreso. May mga “paawa effect” si Gov. Marcos nang sabihin niya na ang pagditine sa mga tauhan ng kapitolyo na tinatawag na “Six Amnesiacs” sa loob ng Batasan complex ay nagmistula nang isang “hostage crisis.” 

Ayon naman kay Deputy Speaker Garin, dapat ring ipaliwanag si Marcos kung bakit ang 70 minitrucks ay hindi pa rin napaparehistro sa LTO. Hindi rin malaman kung saan talaga nanggaling ang mga ito. Kasi, walang mga papeles ayon sa pahayag ng taga-LTO at hindi malaman kung paano nakarating sa bansa dahil ang minitrucks ay hindi matukoy kung may tatak bang Foton o Forland. Dapat talagang malinawan, lalu nang taumbayang nagbabayad ng buwis ang usaping ito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with