^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Pinopondohan pero ‘alang aksiyon sa illegal gambling

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Pinopondohan pero �alang aksiyon sa  illegal gambling

MULA Enero hanggang Hunyo 2017, nakatanggap na ang Philippine National Police (PNP) ng P154 milyon mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). Mula pa Oktubre 2016 nagkakaloob ng pondo ang PCSO sa PNP makaraang magkasundo na paiigtingin ng pambansang pulisya ang pagsugpo sa illegal gambling sa bansa particular na ang jueteng. Pero naging malamya ang PNP sa illegal na sugal at lalo pang namayagpag ang jueteng. Hindi nabawasan ang jueteng sa mga barangay at lalo pa ngang dumami ang mga kubrador na nag-iikot sa bahay-bahay para magpataya. Ang mga mananaya ay nagbabakasakali kaya pati ang pambili ng bigas at sardinas itataya na sa jueteng. Pero kadalasan na talo naman dahil dinadaya ng bangka.

Ang nangyayaring pamamayagpag ng jueteng sa maraming lugar sa bansa ang naging dahilan kaya binabalak ng PCSO na tapyasan ang binibigay na pondo sa PNP. Ayon kay PCSO General Mana­ger Alexander Balutan, balak nilang tapyasin ang kalahati ng pondong pinagkakaloob sa PNP. Ang tinapyas na kalahati ay balak ipagkaloob sa Armed Forces of the Philippines at iba pang law enforcement agencies.

Malamya umano ang PNP sa operasyon laban sa jueteng sa Central Luzon at Bicol Region. “Maliliit na isda” lamang umano ang nahuhuli ng PNP at ang mga “big fish” ay patuloy na nagpapa-jueteng. Walang aksiyon na ginagawa at hinahayaan na lamang ang gambling operators sa kanilang gawain. Ayon kay Balutan, 5,000 tao lamang na sangkot sa jueteng ang nahuhuli ng PNP. Napakaliit umano nito at pawang pipitsugin pa ang nahuli. Dapat doblehin daw ng PNP ang effort. Sabi naman ni PNP chief Dir. Gen. Ronald dela Rosa, ginagawa nila ang lahat para malutas ang jueteng.

Tama lamang na bawasan ang pondo ng PNP dahil naging inutil sila sa jueteng. Sa halip na mawala sa kultura ng mga Pilipino ang jueteng, lalo pang lu­mala. At alam din naman na maraming police official ang tumatanggap ng limpak sa jueteng operators. Dapat wala nang pondo ang PNP mula sa PCSO.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with