^

PSN Opinyon

Ayaw magbigayan

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. - Pilipino Star Ngayon

HABANG pinagdedebatehan sa matataas na antas ng lipunan ang usaping martial law extension, ang mga namamasaheng publiko ay may pinag-aawayan ding sariling isyu – ang kapalaran ng Uber, Grab at iba pang ride sharing public transportation na hinihigpitan na ng LTFRB. Kung hindi sana nakuha sa maayos na usapan, tinatayang mahigit 40,000 na pumapasadang Uber at Grab ang idedeklarang Colorum sa susunod na linggo.

Maingay at mapuwersa ang tinig ng pinakaapektadong sektor – ang mismong publikong nakikinabang sa serbisyo nitong ride sharing transportation. Sa gitna ng tila walang pag-asang bus, jeepney at taxi services na luma, mapeligro at masikip, ang pagdating sa eksena ng uber at grab ay talagang malaking ginhawa. Hindi lamang ang mga commuting public ang nakapusoy. Maging ang mga namuhunan sa kanilang sasakyang pinang-Uber o Grab ay naka-jackpot sa madaling perang kinikita. Ganun kalakas sa takilya ang dalawang ito.

Napakalaki ng kinikita ng Uber at Grab. Isa ito sa dahilan kung bakit gusto silang lagyan ng kaukulang regulasyon ng LTFRB. Siyempre, nandyan din ang konside­rasyon na pinapataw sa mga taxi, jeep at bus: training ng driver, kaligtasan ng pasahero, pananagutan ng operator. Wala namang kokontra kung isailalim din ang mga Uber at Grab sa ganito.

Ang problema ay abot na sa isang taon at hindi pa rin kumikilos ang LTFRB upang maglabas ng regulasyon. At ang karatig problema ay hindi rin naman inawat ng Uber at Grab ang mga aplikanteng sasakyan na puma­laot sa publiko habang hinihintay ang susunod na hakbang ng LTFRB.

Salamat na lang at, sa pakikipagtulungan nina Senador Grace Poe, JV Ejercito at Bam Aquino, nagkaisa ang mga sektor na walang mangyayaring hulihan ng hindi pa rehistradong mga Uber at Grab na sasakyan. Basta sila ay nakapag-apply, maari silang mamasada habang pinupro­seso. Kaya nga lang ay nanganak ngayon ang problema: pati mga aplikante maging taxi, jeep at bus ay namimilit na payagang mamasahe habang pinuproseso pa lang ang kanila rin aplikasyon.

Ang pamahalaan ay nariyan upang solusyunan ang pa­ngangailangan ng publiko. Ito lagi ang pangunahing konsiderasyon sa kanilang pagpapasya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with