^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Kalimutan na ang peace talk

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Kalimutan na ang peace talk

NOONG Miyerkules, muling sinabi ni Pres. Ro­drigo Duterte na itigil na ang peace talks sa National Democratic Front of the Philippines (NDFP). Ito ay kasunod nang pag-ambush ng New People’s Army (NPA) sa mga miyembro ng Presidential Security  Group (PSG) sa Arakan, North Cotabato na iki­namatay ng isa at ikinasugat ng limang iba pa. Halos kasabay nang pag-ambush sa PSG, dalawang Marines naman ang pinatay ng NPA sa Palawan. Namamalengke ang dalawang sundalo nang lapitan ng ilang lalaki at binaril sa ulo ang dalawang sundalo.

Sana nga, totoo na ang sinabi ni Duterte na ititigil na ang pakikipag-usap at hindi pawang pagba­banta lamang. Maraming beses nang sinabi ng Presidente na wala nang pakikipag-usap sa mga komunista pero makaraan ang ilang araw ay magbabago na naman siya ng posisyon at handa na raw makipag-usap.

Hindi pa natatagalan nang salakayin ng 40 NPA rebels ang police station sa Maasin at dinisarmahan ang mga pulis. Kinuha ang walong M-16 rifles at siyam na Glock 9-mm pistols. Ayon sa report, tatlong babae muna ang pumasok sa station at nagkunwa­ring magpa-file ng reklamo. At kasunod niyon ay ang pagsalakay na ng mga rebelde na ang iba ay nagdaan pa sa likuran ng police station.

Halos kasabay nang pagsalakay sa Maasin, isang  army truck ang inambus ng mga NPA sa Quezon na ikinasugat ng dalawang sundalo. Magreresponde umano ang mga sundalo sa isang nangyayaring sunog sa Globe cell site na kagagawan din ng NPA nang maganap ang ambush. Huwag nang makipag-usap kahit kailan sa NDFP-CPP sapagkat sayang lamang dahil sa mga ginagawang pagsalakay ng NPA. Nagpapakita lamang na wala nang control ang communist group sa kanilang military arm. Kanya-kanya nang lakad ang grupo --- papatay kung gusto nila. Wala na ring ipinagkaiba ang NPA sa mga tero­rista kaya dapat huwag nang makipag-negosasyon sa kanila.

Huwag nang magbago ng pasya si Duterte at ipakitang mayroon siyang isang salita laban sa mga traidor na komunista.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with