^

PSN Opinyon

Kulang na lang ay promosyon

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

KAILAN lang ay ipinagmalaki ni PNP chief Dir. Gen. Ronald dela Rosa na maraming pulis ang sinibak na sa ilalim ng kanyang pamumuno, dahil sa iba’t ibang dahilan, kabilang ang pagkakasangkot sa iligal na droga, kriminalidad at iba pang mga paglalabag sa batas at pagkakasaliwat sa tungkulin. Mga “incorrigible”, o mga wala nang pag-asang magbago. Higit 100 pulis ang sinibak mula sa serbisyo. Maganda sanang balita. Sino ang may gusto ng isang pulis na hindi tapat sa pangako at tungkulin, na sangkot pa sa krimen?

Pero tila ang magandang balita ay nabura kaagad. Ayon kay Pres. Rodrigo Duterte mismo, ipinababalik na niya sa aktibong serbisyo si Supt. Marvin Marcos at ang kanyang mga tauhan na akusado sa pagpatay kay Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr. sa kanyang kulungan. Siyempre susunod kaagad si Dela Rosa. Unang­ sinampahan ng mga kasong pagpatay sina Marcos, nang matapos ang imbistigasyon ng Senado at NBI, na nakitang planado ang pagsalakay at pagpatay kay Espinosa habang nakakulong sa selda. Ang hinala ay magsasalita na si Espinosa kung saan maraming sangkot na opisyal at pulis. Pero matapos ang ilang buwan, ibinaba sa homicide ang kaso, kaya sila nakapagpiyansa at nakalabas ng kulungan. Ngayon, babalik na sa aktibong serbisyo. Ang kulang na lang talaga ay promosyon, na baka hindi malayo maganap.

Ipinatupad talaga ni Duterte ang kanyang mga pa­ngako sa grupo ni Marcos. Malaya na sila, balik serbisyo, sahod, benepisyo. Handa na namang patuparin ang utos ni Duterte hinggil sa mga sangkot sa iligal na droga. Ano kaya ang masasabi ng Senado, ng NBI, ng hudikatura sa mga nangyari sa kasong ito? Anong masasabi ng mga senador na kumbinsido na planado ang krimen? Ganito na ba ang kalakaran ngayon? Basta inakusahan na sangkot sa iligal na droga, may kikilos nang mga pulis, at kung mapatay ay walang pananagutan? Paano pala kung hindi naman sangkot sa droga at pinag-initan lang, pinagbintangan lang ng kalaban at itinuro sa grupo tulad ng kay Marcos? Wala ka nang pagkakataong ipagtanggol ang sarili? Parang wala na ngang saysay ang hudikatura, kung sa salita pa lang ng pangulo ay absuwelto na sa anumang pagkakamali ang mga pulis, o sinuman ang sumusunod sa kanyang kagustuhan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with