^

PSN Opinyon

Puro masamang balita

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

PINUPUGUTAN na raw ang mga Kristiyanong sibilyan ng mga teroristang Maute. Ito ang mga pahayag ng mga nakatakas na mula sa labanan. Sinabi ko na hindi pa malaman ang lawak ng kalupitan na maaaring ginawa na ng mga terorista sa mga sibilyan. Ngayon, may report ang AFP na ilang babae ang ginagawang “sex slaves”. Inuutusan din daw ang mga bihag na pasukin ang mga tahanan at maghanap ng armas, bala, alahas at pera. Ang iba pinipilit na lumaban na rin sa panig nila. Maa­aring hindi pa ito ang huling masamang balita na aabot sa atin habang nagaganap pa ang labanan.

Nahuli na ng mga sundalo ang lalaking nagdadala ng bala sa Maute at nagdadala ng mga nasugatan nilang kasamahan. Dito na rin daw nakatakas ang ilan mula sa labanan. Sa lawa raw nagdadaan ang lalaki. Dahil nadiskubre na ang dinadaanan, binabantayan na nang husto ang lawa para hindi mapakinabangan ng Maute. Hindi ba nadiskubre ng mga tumutulong na Amerikano sa pagkalap ng impormasyon ang paggamit ng lawa bilang ruta ng bala at mga nasugatan?

Ayon sa isang analitiko, mahalaga na madurog ang Maute sa Marawi, dahil mukhang dito magtataguyod ang ISIS ng kampo para sa timog-silangang Asya. Ipinakita ng Maute at mga manlalaban na sumali sa kanila na kaya nilang harapin ang AFP sa labanan, kahit mas malakas ang puwersa ng gobyerno. Limang linggo na ang labanan sa Marawi at wala pang malinaw na katapusan sa kabila ng ilang pahayag na ng gobyerno. May mga ulat na rin ngayon na maraming banyaga ang kasangkot sa labanan, at hindi lang iilan. Ilang bangkay ng mga banyaga ang nakita ng mga sundalo. Lumalabas na ang Maute ay sanay na sa labanan, na maaaring patunay na may mga ibang tumutulong na sa kanila. Kung malapit na nga ang tagumpay sa Marawi, maraming matututunan sa naganap na krisis. Hindi na puwedeng hindi bantayan ang mga kilalang armadong grupo sa Mindanao. Hindi rin puwedeng makapasok na lang ang mga banyaga, tulad ng nangyari sa Marawi.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with