^

PSN Opinyon

Ayuda sa mga gumon sa droga

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

MARAMING gumon sa ipinagbabawal na droga ngayon subalit sinisikap ng pamahalaan na sagipin sila. Sa kasalukuyan, daan-daang drug addict ang inaalalayan ng Philippine National Police, Department of Health, Department of Social Welfare Development at Philippine Gaming Corporation para makaahon sa pagkakalulong sa bisyo at makapagbagong buhay. Patunay ito na ang kautusan ni Pres. Rodrigo Duterte ay di-mababali, kaya sa mga sumuko sa mga kapulisan at mga local executive ay may pag-asa pang maibalik ang nasira nilang buhay matapos na mabiktima ng mga drug trafficker sa bansa.

Subalit kung libu-libo man sa ngayon ang napagbago ng administrasyon Duterte, libu-libo pa rin ang patuloy na nakikipagbuno at namamatay sa mga kapulisan dahil ayaw nilang mapagbago sa bisyo. Hindi naman natin maitatwa ‘yang patayan araw-araw dahil ang ugat niyan ay itong patuloy na pagtangkilik ng ilan nating mga kababayan sa bawal na droga. Ang masakit ang pinagbibintangan sa mga patayan ay itong Philippine National Police at pilit na ikinakawing kay President Rody. Subalit kung susuriin lamang nitong mga kritiko ni President Rody marami rin ang pinapatay ng mga riding-in-tandem at mga bonnet gang na ayon sa aking mga kausap, mga galamay umano ng sindikato sa droga.

Ngayon lamang nagngangawaan ang mga kritiko, kasi nga mula nang umupo si President Rody maraming drug pushers/user at high value target ang bumulagta sa operasyon ng PNP, Philippine Drugs Enforcement Agency at  National Bureau of Investigation. Ngayon napatuna­yan na milyun-milyong Pilipino na pala ang nalugmok sa droga. Hehehe!  Sino bang President ang nakagawa nito, di ba si Duterte lamang?  Sa ngayon puspusan na ang pagsusumikap ng mga mambabatas at local government unit na mai-rehab at mapagbago itong mga nagumon sa droga.

Katulad na lamang sa Las Piñas City na 100 drug surrenderees ang  nakapagtapos ng 12 weeks training program  na inisposuran ni Sen. Cynthia Villar. Malaking papel ang ginampanan dito ng Villar Social Institute for Poverty Alleviation and  Governance (SIPG) na mapagbago ang 100 drug surrenderrees. Sa pamamagitan ni Villar makakabalik na sa normal na pamumuhay ang drug offenders dahil natututo na silang magsaka o gardening na pagkukunan ng kanilang pang-araw-araw na gastusin. Hindi lamang sa agrikultura sila hinubog dahil bukod sa kanilang livelihood training isinalang din sila sa sumba dance upang maalis ang toxic ng droga sa kanilang katawan. Kaya kayo na mga kababayan ko na patuloy pa rin sa pagsa-shabu, tumigil kayo dahil wala na kayong puwang sa mundo. Hindi kayo tatantanan ng mga pulis at vigilantes. Kaya ang mabuti pa ay sumuko na lamang kayo sa mga pulis at local executives nang mabigyan kayo ng tamang rehabilitation at training nang manumbalik ang mapayapang buhay. Get n’yo mga suki?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with