^

PSN Opinyon

Patayan sa bansa

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

SANG-AYON ako sa obserbasyon ni Sen. Koko Pimentel na sa kabila ng pagbawas ng pangkalahatang krimen, tumataas naman ang patayan sa bansa sa ilalim ng kasalukuyang pamumuno ng PNP. Sinisita nga niya ang PNP sa tila kawalan ng seguridad sa bansa, dahil sa rami ng mga pinapatay ngayon. Nabawasan nga ang mga maliliit na krimen, partikular mga krimen kung saan ang sangkot ay lulong sa droga. Pero halos araw-araw naman ay may mababalitaan kang nabaril ng riding-in-tandem, o pinatay na tao kung saan-saan. Tumataas nga ang bilang ng mga sadyang pinapatay sa bansa. Ilang libo na ba ang biktima ng extrajudicial killings? Ilang mga tinatawag na “high profile” na krimen ang naganap na sa isang taon, kung saan pulis din ang mga sangkot?

Hindi naman nagpapalit ang mga miyembro ng PNP sa pagpalit ng isang administrasyon, hindi ba? Ang mga pulis ngayon ay siya ring mga pulis sa mga nakaraang administrasyon. Kaya ano ang pinagkaiba ng PNP nga­yon? Liderato? Ang sinasabi ba nila ay kailangan nang maayos na liderato para maging maayos din ang PNP, para mas maging epektibo laban sa krimen? Ano pala ang sinasabi sa organisasyon ng PNP kung ganun nga ang paliwanag? Hindi ba ang pangunahing layunin ng PNP ay magbigay proteksyon at manilbihan sa publiko, hindi ang liderato ang sisilbihan? Kailangan nasa pagkatao nila iyan, nasa dugo nila iyan, mabuti o masama man ang liderato, kahit sino pa ang nakaupo sa Palasyo.

Kaya hindi talaga mawawala ang hinala na nagiging mas epektibo umano ang PNP ngayon ay dahil mas may “insentibo” na sila para maging mas “epektibo”. May halaga na umano ang bawat kilalang kriminal o hinihinalang kriminal na “maligpit” nila. Ganito nga ang pahayag nila Matobato at Lascañas at ilan pang nagsalita, na dapat pa ring patunayan. Ayon kay Sen. Antonio Trillanes, may mga pulis na miyembro ng “death squad” ni Pres. Rodrigo Duterte. Ganundin, kailangang patunayan, kahit ito ang paniniwala. Pero hindi talaga maitatanggi na mas marami nga ang napapatay ngayon, at tila walang nareresolba sa mga krimen na ito. Puro “death under investigation” na wala namang mga resulta. Tila napapabayaan na lang hanggang mauwi na sa limot, dahil may mga bagong kaso ng patayan na.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with