^

PSN Opinyon

Namumuong raket sa lupa ng airports

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

KAHINA-HINALA ang mga kaganapan sa Civil Aviation Authority of the Philippines central office sa NAIA, Pasay City. Isang tanghali noong Marso pinapalitan ng isang assistant director general ang mga kandado ng opisina ng isa pang assistant-DG na nagkatao’y absent noon. Takang-taka ang mga personnel kung bakit pinalayas sila. Bahagi sila ng Task Force on Inventory and Valuation, at ng surveying division ng Aerodrome Development and Maintenance Services.

Ang silid ay luklukan ng mga sensitibong dokumento ng mga ari-arian ng CAAP. Kabilang sa mga papeles ang tungkol sa mga lupain kung saan nakatayo ngayon ang mga airports sa Roxas City, Capiz; Talibon, Bohol; Mamburao, Mindoro Occidental; at Cuyo, Busuanga, at Puerto Princesa, Palawan.

Dati nang nagtangka ang mga racketeers na angkinin ang mga naturang lote at maningil sa gobyerno ng umano’y atrasadong kabayaran dahil sa pagtayo ng air­ports sa lupain nila. Napigilan lang sila dahil sa masigasig at masusing pagsaliksik ng Task Force sa mga kaso. Nasa files sa silid ang mga huling orihinal na certified true copies ng mga dokumento -- mga katibayan na binayaran na ng gobyerno ang mga lupa dekada na ang nakalipas. Nagbabakasakali ang mga racketeers na makalinlang, kasabwat marahil ang mga salbahe sa loob ng CAAP.

Nagkataon lang kaya ito? Isang linggo mula sa pagpapalayas sa Task Force, dumating sa CAAP ang isang babaing nagtatanong kung paano makakasingil ng P73 milyon para umano sa Lot No. 1331 na ngayo’y kinatatayuan ng Roxas City airport terminal at tarmac. Binara siya ng isang taga-Task Force na, nu’ng 2009, meron na ring nagtangkang maningil ng P26 milyon, pero napatunayang bayad na ang lote noon pang 1962. Pumunta ang nasupalpal na babae sa opisina ng isang hepe sa CAAP. Siguro mas “makakausap” ang naturang opisyal. Pinag-iinitan na kasi ang deretsong-bitukang taga-Task Force.

vuukle comment
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with