^

PSN Opinyon

Hindi raw humihingi ng tulong

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

AYON sa Palasyo, hindi humihingi ng tulong ang Pilipinas mula sa ibang bansa para sa Marawi. At wala rin naman daw natatanggap. May pondo naman daw ang gobyerno para sa mga apektado sa Marawi at maraming donasyon mula sa pribadong sektor ang dumarating. Pero may panawagan naman ang Marawi Crisis Management Committee ng karagdagang pagkain, lalo na’t magtatapos na ang Ramadan. Dapat siguro ang tanungin nila ay ang mga “bakwit” mismo, kung sapat ang kanilang natatanggap na tulong, at kung hihiling na rin sila mula sa mundo o hindi.

Hindi ko nga alam kung bakit maglalabas pa ng ganitong pahayag ang Palasyo, sa panahon na ang mahalaga ay ang kapakanan ng mga naapekto ng krisis. Kaya rin ba walang tumutulong, dahil ilang beses na ring nagpahayag si Pres. Rodrigo Duterte na ayaw niya ng tulong na may kundisyon, partikular mula sa EU? At ayaw din ng kahit anong tulong mula sa mga Amerikano?

Magpapadala naman ng dalawang eroplano ang Australia, para matulungan ang militar sa labanan sa Marawi. Dalawang AP-3C Orion surveillance planes ang ipadadala, para makatulong sa pagkalap ng impormasyon na magagamit laban sa mga terorista. Ayon naman sa Palasyo, welcome naman daw ang anumang tulong para labanan ang mga terorista. Kung ang militar ang tatanungin, sigurado ako gusto nila ang tulong na iyan.

Sa panahon ng krisis, mahalaga ang tulong na matatanggap mula kaninoman. Kaya walang dahilan para magpahayag pa ang Palasyo na wala silang hinihinging tulong. Paano pala kung tabangan na ang mga bansa, dahil mga ganitong pahayag naman ang lumalabas mula sa gobyerno, na tila nagpapahiwatig na kayang-kaya na nating mag-isa, anumang mangyari sa bansa? Hindi pa tapos ang krisis sa Marawi, at paparating pa lang ang panahon ng mga mala-lakas na bagyo. Dapat nga handa tayong humingi ng tulong mula sa mundo sa oras ng pangangailangan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with