^

PSN Opinyon

Kapiranggot na kapayapaan

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

BUTI naman at marunong din palang rumespeto sa kanilang banal na Eid’l Fitr ang mga teroristang Maute. Sa unang pagkakataon, matapos ang mahigit sa isambuwang bakbakan ng pamahalaan at ng naturang extre-mist Islamist group, umiral ang kapayapaan kahapon sa Marawi City. Batid ko na pansamantala man ito, para sa mga residente ng naturang lugar, ito ay malaking ginhawa, lalu pa’t mahigit isambuwan nang nawala ang kapayapaan doon. Marami na ring buhay ang nalagas sa panig man ng militar, Maute o pati inosenteng sibilyan. 

Naging musika ang katahimikan at ang mga dasal ng mga Imam sa mga Mosque dahil sa selebrasyon ng Eid’l Fitr. Ang mga taong ininterview sa TV ay lumuluha sa galak sa kapiranggot na kapayapaan.

Nung unang nagdeklara ng humanitarian pause ang mi-litar bilang pagrespeto sa banal na okasyon ng mga Muslim, nagduda ako kung susunod ang mga terorista. Wala kasing kinikilalang banal na okasyon ang mga iyan. Sa isip ko, ang ginagawa nilang pakikigiyera ay banal para sa kanila.

Ngunit sa unang pagkakataon ay walang narinig na putukan, bombahan at ugong ng mga bomber plane. Ibig sabihin, kung puwedeng umiral ang kapayapaan, bakit hindi gawing pangmatagalan, di ba? Dapat lang siguro, ang mga moderate Islamic leaders o mga Imam ang magpasimula ng ganyang pag-uusap na pangkapa-yapaan. Gawing Muslim sa Muslim ang pakikipag-usap at bakasakaling umubra ang pormulang ito. Kung may dapat magmalasakit sa Islam na nasisira ang image dahil sa terorismo, ito ay walang iba kundi ang mga leader nito.

Huwag nang hintaying dumami pa ang mga nabubuwis na buhay, o kaya, umabot sa dambuhalang halaga ang gastos sa rehabilitasyon ng nasalantang lugar. Ngayon nakita natin na puwede pala ang tigil-putukan sa mga terorista, dapat umaksyon ang pamahalaan sa direksyong ito. Dapat palaging ora mismo ang mga Islamic leaders.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with