^

PSN Opinyon

Bulok na choppers dapat usisain muli

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

MAY dugo ang kamay ng mga bumili ng bulok na Air Force combat helicopters nu’ng panahon ni Noynoy Aquino. Naaalala ko pa ang mga kaganapan nu’ng Abr. 2015. Isa ako sa iilang kolumnista na bumatikos sa pagwaldas ng P1.2 bilyon at paglagay sa panganib ng ating mga sundalo. Niluto ang kontrata at ang binili ay mga kakarag-karag na aircraft. Siniraan kami sa media ng mga bayarang bloggers.

Ngayon nag-crash sa Tanay, Rizal dahil sa sablay na motor ang isa sa UH-1D choppers. Namatay ang piloto at dalawang crewmen. Dapat papanagutin sina noo’y-defense secretary Voltaire Gazmin, undersecretary Fernando Manalo, assistant secretary Patrick Velez, mga heneral, at bloggers na magkaka-kutsaba sa katiwalian. Binisto ni noo’y whistleblower Dory Alvarez na pinagsalpak-salpak lang ang mga chop-chop na piyesa. Linathala namin ang mga babala niya ng sakuna. Nagkatotoo na. Nu’ng Nob. 2016 nag-crash-land ang isa sa mga naturang aircraft sa Sarangani. Walang namatay, mabuti na lang, pero lalo lang nito binibigyang diin ang muling pag-imbestiga sa scam.

Inusisa ng Senado ang anomalya. Lumitaw na 21 UH-1H helicopters ang talagang hiling ng Air Force sa Dept. of Defense. Nag-fail ang bidding, kaya nagkaroon ng palusot ang mga opisyales na makipag-negosasyon na lang sa isa sa mga partidos. Ang dineliber ng kontratista ay mas lumang UH-1D units -- kulang, huli, karamiha’y hindi lumilipad. Nagyabang si Aquino sa 2012 State of the Nation na patungo na sa Pilipinas ang choppers. Duma-ting sila makalipas ang isa’t-kalahating taon. Linabas ang siyam sa Air Force anniversary 2013, pero hindi ini-start ang mga pumapalyang makina. Kataka-taka na walang report ang Senado sa imbestigasyon, at tahimik lang si commander-in-chief Aquino. Ngayon napapatunayang tama ang mga babala natin noon.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with