^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Magbantay at baka malusutan na naman

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Magbantay at baka malusutan na naman

NOONG nakaraang linggo, kumalat sa Facebook na maghahasik ng kaguluhan sa Metro Manila ang teroristang Maute. Ang leak ay galing mismo sa isang intelligence memorandum mula sa Valenzuela City police. Pirmado ang memorandum ng hepe ng Intelligence Branch ng Valenzuela City na si Chief Inspector Jowilouie Bilaro. Ang subject ng memo ay “Plan Bombing in Metro Manila”.  Dahil sa pangyayari, tinanggal ni NCRPO chief Director Oscar Albayalde si Bilaro.

Dismayado si Albayalde sa nangyari. Masyado raw mabilis ang pagkalat gayung hindi pa kumpirmado ang report.  Nananawagan naman siya sa netizens na iwasang magpakalat ng naturang mga impormasyon na nagdudulot na takot.

Nakapagdudulot talaga ng takot ang maling balita at dapat maging maingat . Pero dapat din namang maging alerto ang PNP sa balitang maghahasik ng karahasan sa Metro Manila ang Maute. Ngayong dito nakakulong sa MM ang ama at ina ng Maute, maaaring gumawa sila ng hakbang para mailigtas ang mga magulang. Hindi dapat magpatulug-tulog ang mga pulis at baka makalusot ang mga terorista. Kung ang riding-in-tandem ay nakakalusot sa mga pulis, ito pa kayang Maute na walang takot mamatay dahil karangalan daw ang mamatay para sa kanila.

Maraming beses nang nalulusutan ang PNP. Patunay ang pagsalakay ng may 40 NPA rebels ang police station sa Maasin, Iloilo noong nakaraang linggo. Walang anumang naglakad lang ang mga rebelde hawak ang mga baril at pinasok ang station at sinamsam ang mga baril ng pulis. Pawang mga bago pa ang mga baril.

Walang nagawa ang mga tutulug-tulog na pulis sa Maasin sa pangyayari. Hindi sila makapaniwala na sa ilang sandali, malilimas ang kanilang armas. Sinibak na ang hepe ng Maasin dahil sa pangyayari.

Leksiyon din sa mga pulis sa Metro Manila ang mga nangyayaring pagsalakay ng riding-in-tandem na kahit isa ay wala pa silang naeengkuwentro. Noong nakaraang linggo ilang pagpatay ang naisagawa ng riding-in-tandem at walang nagawa ang pulisya. Naiwan sa kangkungan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with