^

PSN Opinyon

Threat groups

DURIAN SHAKE - Pilipino Star Ngayon

PARA sa dagdag kaalaman sa mga hindi lubos na naiintindihan ang Mindanao at kung bakit maya-maya may bagong gulong nangyayari sa iba’t-ibang bahagi ng isla. 

May iba pa nga nagmumungkahi na ang Mindanao ay kakambal ang gulo dahil nga sa samu’t saring balita ng giyera, ng putukan, ng pambobomba at iba pang kaguluhan. 

At ang pinakahuli ngang malaking pangyayari rito sa katimugan ay ang Marawi City siege na kung saan ang involved ay ang Islamist Maute militant group.

Ganito kasi iyon, ang Mindanao ay may hinaharap na mas maraming threat groups kung ihahambing  kahit man lang sa Luzon at Visayas. 

Ang threat groups sa Metro Manila ay karamihan mga kriminal at maging ang nasa  laganap na illegal drug trade.

Gayun din ‘yon sa mga ibang bayan at lalawigan sa Visayas at Luzon na may mga mangilan-ngilan naman na kung saan may mga rebeldeng New People’s Army din maliban sa mga kriminal.

Heto, mas kumplikado ang sitwasyon ng Mindanao dahil nga sa dami ng threat groups na kinahaharap nito. 

Ang threat groups dito sa Mindanao ay kinabibilangan ng Maute militant group, Abu Sayyaf extremist group at mga rebeldeng New People’s Army.

Kabilang sa threat groups na ‘yan ay ang Moro National Liberation Front, Moro Islamic Liberation Front, Bangsa­moro Islamic Freedom Fighter Group at marami pang ilang local groups na nagpupursige sa kanilang idelohiya.

Dagdag sa problema sa security sa Mindanao ay ang mga bandit groups, mga kriminal at ang mga nasa illegal drugs. 

Sana kahit paano sa explanation na ito ay maintindihan ng ating mga mamamayan ang gulong dulot ng mga threat groups na nasa Mindanao.

Ngunit kahit anong threat groups ang nandito sa katimugan, nanatili pa rin itong lupa na labis naming minamahal, kaming mga Mindanaoan. 

Ang Mindanao ay nasa  diwa, pag-iisip at puso naming mga Mindanaoan.

At hindi ‘yan magbabago.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with