^

PSN Opinyon

Lumiliit na ang mundo ng mga terorista

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

MAGANDANG balita para sa ating lahat lalung-lalo na sa mga taga-Marawi. Ayon sa tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines (AFP), malapit na nilang mabawi ang Marawi City sa mga terorista. Pilay na ang mga teroristang sumugod sa Marawi. Marami na silang nalagas na mga miyembro at iba rito ay lider at tagasuporta nilang pinansyal. Kahit gaano kalakas ang puwersa ng ISIS hindi nila kayang mang-agaw ng isang lugar para pagharian dahil kahit saang bansa nila ito gawin hindi sila magtatagumpay dahil hindi papayag ang gobyerno.

Sumasang-ayon ako sa agarang pagdeklara ni President Digong ng martial law sa Mindanao para pigilan ang ISIS na magtayo ng isang maliit na gobyerno at gawin itong sentro ng terorismo. Kung ang mga mamamayan sana ng Marawi ay naging tapat sa gobyerno, hindi sana nila dinaranas ang hirap na kanilang nararanasan ngayon. Maraming netizens ang nag-post sa social media nasaan daw ang mga padre de pamilya ng ibang bakwit?

Bakit karamihan daw sa mga lumilikas ay mga babae kasama ang kanilang mga anak. Masamang mag-akusa sa kapwa pero nakakapagtaka nga naman dahil kapansin-pansin sa mga lumilikas ay pawang mga kababaihan. Ang nakakatakot dito ay baka miyembro ng Maute ISIS ang karamihan sa mga ito. Ibig sabihin laganap na ang terorismo sa Marawi.

Hindi lang terorista ang marami riyan sa Marawi kundi droga, kaya pala para lang silang pumapatay ng hayop sa mga tao dahil ang mga ito pala ay nasa impluwensiya ng droga. Kaya hindi mo rin masisisi si Digong na sabihin sa kanyang mga tropa na kapag nakakita ng ISIS ay barilin na ito.

Tayo’y magpasalamat sa mga bansang tumutu-        long sa atin para matunton ang kinalalagyan ng mga terorista. Tinutulungan nila ang mga tropa ng gobyerno para magpatrol sa mga karagatan upang pigilan ang mga teroristang gustong pumasok sa Marawi.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with