^

PSN Opinyon

‘Oplan pagtugis’

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

KUNG nabokya man noong nakaraang linggo sa tatlong magkakasunod na “Oplan Pagtugis” ang Manila Criminal Investigation and Detection Group, MPD District Special Operation Unit (DSOU), Special Weapons and Tactics (SWAT) at Police Station-9, hindi sila dapat pagtawanan. Nagbunga ang kanilang pagod dahil sa pagkaaresto kay Rodel Polon na matagal nang pinaghahanap dahil sa kasong serious illegal detention na inisyu ni Judge Silverio Castillo ng Manila Regional Trial Court Branch 48. Hindi na nakapalag si Polon nang salakayin ng magkasanib na puwersa ng CIDG at DSOU dakong 8:35 ng umaga sa 1839 Felix Huertas St., Sta Cruz. Nadakma si Polon ng mga tauhan nina C/Insp. Willy Sy at C/Insp. Jay Dimaandal at narekober dito ang 34 grams na shabu.

Ganyan ang labanan sa tuwing magkakaroon ng “Oplan Pagtugis”, kailangang mautak ang mga pulis sa pagsalakay dahil maraming galamay ang mga pusakal. Nabobokya ang operasyon dahil natitimbrehan ng mga lookout nito. Katulad ng nangyari noong nakaraang linggo sa Tondo. Unang sinalakay nina C/Insp. Sy, Supt. Alex Daniel, PS-7 Station Commander, MPD SWAT at DSOU ang lungga ni Jervin De Vera-Dela Cruz, alias “Badong” sa Hermosa St., Tondo, dakong 4:25 ng madaling araw. Nakatakas si “Badong”. Narekober na lamang sa lungga ay isang pump type 12 gauge shotgun, 30 live ammunitions, isang caliber 38, 12 pirasong bala ng 38, isang magazine ng 45 caliber at limang bala. Dakong 5:50 a.m. sinalakay ang bahay ni Gilbert Palo Cruz, alias “Gibo” sa Hermosa Street. Nakatakas din ito.

Narekober nina Sy ang 42 sachet ng shabu, isang caliber 38, 12 bala ng 38, 1 9mm revolver black na may pitong bala. Sa ikatlong pananalakay naman walang dinatnan sina Sy sa bahay ni Ricardo Gamboa sa Hermosa St. subalit narekober ang isang  caliber 38 at apat na bala. Natimbrehan ang operasyon kaya nakatakas sa mga pulis. Subalit hanggang saan kaya ang kanilang ligaya gayong nangako si Sy at ilang opis­yales ng Manila Police District na hindi sila titigil hanggat di-nahuhuli ang suspek. Walang puwang ang mga criminal kay Mayor Joseph “Erap” Estrada? 

Samantala, nakatutuwa ang kasipagan ni Cavite Rep. Strike Revilla. Pinursige niyang maipasa ang batas sa pagpapalawig ng driver’s licensed sa limang taon at ngayon naman, isinusulong niya ang  House Bill 2235 o ang pagbabawal na iwan ang mga menor de edad o bata sa motor vehicles, na nagiging sanhi at nagdudulot ng kapahamakan sa mga ito. Ayon kay Revilla, “Iniiwan kung minsan ang mga bata sa sasakyan sa iba’t ibang dahilan, na maaring ikapahamak ng mga ito. Lalo na kung hindi sila agad makalalabas o kakulangan sa kaalaman sa sasakyan. Maaring ma-suffocate, heat stroke o makidnap. Dapat maging alerto ang publiko sa mga ganitong bagay.” Ang tinatamasa ngayon ng mga taga-Bacoor na pagbabago ay katas ng siyam na taong pamumuno ni Revilla sa Bacoor. Dalawang beses ginawaran ng DILG’s Seal of Governance sa magkasunod na taon ang Bacoor City. Kaya buhos ang mga investor ngayon na nagbibigay ng trabaho sa mga taga-Bacoor.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with