^

PSN Opinyon

Sa tao mismo kailangang magsimula

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

KINAKANDADO na ng mga sundalo ang ilang bahay na walang tao sa Marawi, para hindi malooban at para palatandaan na ligtas na ang bahay mula sa mga terorista. May mga ulat na nilolooban na ang ilang bahay na walang tao sa Marawi. Nahuli ng pulis ang dalawang tao na may bitbit na sound system at TV. Mariing itinanggi ng AFP na mga sundalo ang nagnanakaw sa mga bahay.

Ito naman ang ayaw kong mangyari. Kawawa na nga ang mga residente na napilitang lumikas mula sa labanan, mananakawan pa sila. Ito ay kung may uuwian pa nga silang bahay na walang danyos mula sa labanan. May mga bahay na nagtamo nang malaking danyos mula sa labanan, partikular sa mga airstrikes. Sang-ayon ako na maglabas ng utos ang PNP o si Pres. Rodrigo Duterte mismo na puwede nang barilin ang mga magnanakaw ng kagamitan sa Marawi, para walang mapagsamantalahan ang mga kriminal. Sa ibang bansa, “shoot-to-kill” ang utos sa “looters” kapag may kalamidad. 

Nakita ito nang manalasa ang bagyong Yolanda sa Tac­loban. Naging laganap ang pagkuha na lang ng kahit ano mula sa mga tindahan, kung saan walang nagawa ang mga otoridad. Wala ring magawa ang mga may-ari ng mga tindahan. Nakunan na lang ng media. Maiintindihan ko kung pagkain, tubig at damit ang kinuha, pero mga TV, stereo, gulong at kung anu-ano pang hindi naman pangunahing pangangailangan? Malinaw na pinagsamantalahan ang sitwasyon. May mga lumalabas na ring ulat na ninakawan ang ilang biktima sa Resorts World Manila.

Lagi na lang problema ito. Mga nananamantala ng mga biktima ng trahedya. Dito makikita na hindi talaga nagka­kaisa ang mga Pilipino, lalo na sa oras ng krisis. Kanya-kanya at nananamantala pa, imbis na magtulungan. Kaila­ngan may mas maayos na proseso ang mga otoridad para maiwasan ang pananamantala sa mga biktima ng trahedya. Pero sa totoo lang, nagsisimula ‘yan sa tao mismo. Kung walang masamang bahid sa pagkatao, hindi gagawin ang manamantala sa sitwasyon, lalo na sa panahon ng kala­midad.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with