^

PSN Opinyon

Mga dalampasigan kailangang bantayan

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

KUNG kailangang maging vigilant ang ating mga autoridad laban sa banta na terorismo, ang kailangang tanuran  ay ang lahat ng mga dalampasigan, lalung-lalu na yung sa tinatawag na Southern Philippines backdoor. Diyan kasi pumupuslit ang mga dayuhang may maitim na balak sa ating bansa. Kaya dapat pag-ibayuhin ng ating Philippine Coast Guard ang pagbabantay sa ating mga baybayin.

Hindi siguro madaling gawin dahil sa kakulangan ng militar ng mga tauhan ang pasilidad, pero iyan ang kailangang gawin. Kung puwede, maituloy na ang planong joint patrol ng Pilipinas sa ating mga kalapit na bansa sa Southeast Asia, tulad ng Malaysia.

Mismong ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ang nagkumpirma: Tinatayang apatnapung foreign terro­rists ang nakapasok sa Pilipinas na dumaan sa backdoor, airports at seaports, ayon kay Gen. Gilbert Gaapay, deputy commander ng Eastern Mindanao Command. Madaling maunawaan kung nakapupuslit ang mga ito sa mga dalampasigang di natatanuran. Pero kung pati ng airport at seaport ay nagagamit ng mga terorista, aba, ibang usapan iyan!

Isipin na lang na ang mga ekspertong teroristang iyan na nagbuhat diumano sa Malaysia at Indonesia, ang nagdadala na teknolohiya sa paggawa ng bomba at paghahasik ng karahasan para maging dalubhasa ang mga local na tero­rista s paghahasik ng lagim.

Ang sabi nga, ang paghadlang sa isang problema, bago pa man dumating, ay mas mainam ng libong ulit kaysa pag­supil nito. Tulad ng naganap ng pag-atake ng Maute sa Ma­rawi, isang buwan bago naganap ito ay may intelligence report na, pero bakit binayaan pang maglubha ang situwasyon?

Nakiiisa tayo sa panawagan ng gobyerno sa taumbayan na magkaisa at maging mapagmasid upang labanan ang banta ng terorismo sa gitna ng pagdedeklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Martial Law sa Mindanao.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with