^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Fake news

Pilipino Star Ngayon

MARAMING fake news ngayon at maraming na­bibiktima. Maski si Justice secretary Vita­liano Aguirre ay nabiktima ng fake news nang i-linked niya sina Senators Antonio Trillanes IV at Bam Aquino sa Marawi siege. Pinagbasehan ni Aguirre ang isang retrato. Pero lumabas na luma pala ang retrato at hindi mismo sa Marawi kuha ang picture. Hindi pa humihingi ng paumanhin sa dalawang senators si Aguirre.

Marami pang fake news ngayon at hindi lamang ito nangyayari sa social media kundi maging­ sa print o broadcast media. Mayroon ding mga pekeng balita na nagmula lamang sa bibig at magpapasalin-salin na sa isang iglap, kakalat na. Dahil sa pagkalat ng fake news, maraming nagpa-panic, nagugulumihanan, natatakot at nagiging marahas.

Ang pagkalat ng fake news ang naging dahilan para ipanukala ni Sen. Joel Villanueva ang isang batas na magpaparusa sa mga gumagawa nito. Sa panukala, mapaparusahan ng isa hanggang limang taong pagkakulong ang nagkakalat ng fake news at pagmumultahin ng hanggang P5 milyon. Mas mabigat naman ang parusa sa go­vernment official na mapapatunayang nagkalat ng fake news. Pagkakulong nang hanggang 20 years at multa na aabot sa P10 milyon hanggang P20 milyon.

Sabi ni Villanueva kapag naaprubahan ang kanyang Senate Bill No. 1492, hindi na uubra ang pagkakalat ng mga maling balita, paglalathala nito at ang walang habas na pag-abuso sa social media na ginagawang laruan na lamang sa kasalukuyan.

Nararapat lamang na maparusahan ang mga nagkakalat ng maling balita. Kung maaari, bigatan pa ang multa at haba ng pagkakulong para lalong magkaroon ng takot ang mga ito. Hindi maganda ang idinudulot ng pagkakalat ng pekeng balita sapagkat nagkakaroon ng kaguluhan. Dapat din namang maging maingat ang mga indibidwal na huwag basta maniniwala sa mga maririnig, mababasa lalo na sa social media. Magkaroon muna ng pag-verify bago maghayag o mag-akusa. Kapag naihayag na, mahirap na itong bawiin. Paano ang nasira dahil sa pagkakalat ng maling info?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with