^

PSN Opinyon

‘Torotot, kaldero atbp ang mag-iingay’

CALVENTO FILES - Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

PAANO NA SI SUPER LOLO, triangulo, Piccolo, Big bawang, Goodbye Philippines at wag kalimutan ang sinturon ni Hudas ngayong pinirmahan na ni Presidente Rodrigo Duterte ang paglilimita sa paggamit ng mga paputok.

Pagdating ng bagong taon kanya-kanyang gamit ng paputok ang mga tao dahil naniniwala silang magiging masagana ang kanilang taon kapag sinalubong nila ito ng may mga ingay.

Kasabay ng kasiyahan ng mga nagpapaputok ay ang hiyawan ng mga naputukan at nadisgrasyang mga tao.

Napupuno ang mga ospital sa mga pasyenteng naputukan. Sa halip na magdiwang ng bagong taon sa kanilang tahanan ay sasalubungin nila ito sa ospital.

Ang ilan naman ay magdidiwang ng okasyong ito na kulang na ang daliri o putol na ang kamay. May sugat sa mukha o naapektuhan ang paningin dahil sa naputukan.

May bata, matanda na nabibiktima at ang malala pa ay may napuputulan pa ng mga daliri.

Kahit na ilang beses pang paalalahanan ang mga tao para bumaba ang bilang ng mga nabibiktima ay may ilan pa diyang bumibili kahit na nasa listahan ng mga ipinagbabawal na mga paputok.

Taun-taon na lang napupuno ang mga ospital ng mga pasyenteng nabiktima ng mga paputok at tila hindi na tayo natuto sa panganib na dala nito.

Hiniling ng Department of Health (DOH) na pirmahan ni Presidente ang Executive Order upang limitahan ang paggamit ng paputok.

Ang Executive Order (EO) 28 na gagamit lamang ng paputok sa mga ‘community fireworks display’.

Kinakailangan may gabay ng mga trained at lisensiyado ng PNP ang gagamit nito at dapat na may permit sila mula sa local government.

Hindi tumitigil ang mga tao na tangkilikin ang mga paputok dahil naniniwala silang mas magiging masaya ang bagong taon nang may paputok at kakabit na ito ng tradisyon sa bansa.

Bago pa man sumapit ang bagong taon may naglalabasan nang bagong uri, pangalan at mga mas malalakas na paputok.

Naglalabas man ng listahan ng mga hindi pinapahintulutang ibenta at bilhin na mga paputok ay meron pa rin diyang nakakapuslit.

Sa pagpirmang ito ng Presidente hindi ka na pwedeng magpaputok anumang oras mo gustuhin. Kung may ipinagdiriwang na okasyon ang isang lugar ay dun ka lang pwedeng gumamit ng mga paputok.

Hindi na rin pinapayagang magpaputok sa harap mismo ng bahay mo.

Upang mas maging ligtas ang lahat sa dalang panganib ng mga paputok ay pinapahintulutan lamang na gumamit ng paputok o pyrotechnic device kung may kasama kang lisensiyadong miyembro ng PNP at dapat sumunod ka sa nakasaad sa batas.

Maglalabas ulit ng listahan ang PNP kung anong mga paputok ang ipinagbabawal at sakop din ng kanilang tungkulin na suriin ang mga ito.

Mahigpit na ipinagbabawal na gumawa, magbenta at bumili ng mga paputok na hindi papasa sa kanilang criteria.

Matatandaan na isyu na ang tungkol sa paputok noong nakaraang taon ngunit marami ang umalma dahil huli na raw ang pagbabawal nito. Nakapaglabas na sila ng puhunan at malulugi ang kanilang negosyo.

Ang mga pulis, DOH, Department of Interior Local Government (DILG), Department of Environment and Natural Resources (DENR,) at Bureau of Fire Protection (BFP) ang magpapatupad ng EO na ito.

Ang ilang ahensya rin ay inutusan ng Presidente na ipabatid sa mga tao ang dalang panganib ng pagpapaputok.

Kung tutuusin alam na naman ng mga tao na ang mga paputok na kanilang binibili ay may kaakibat na panganib sa kanilang katawan. Pinanghahawakan lang din nila ang isiping mag-iingat sila.

Ang aksidente kahit na anong gawin mong ingat at iwas kapag ikaw ang nilapitan wala kang ligtas.

May mga hindi nga nagpapaputok pero nabibiktima pa rin sila at nahahagip ng mga nagpapaputok.

Magkaroon na rin dapat tayo ng disiplina sa sarili na kapag sinabing bawal ang nabanggit na paputok dahil sobrang lakas ng mga ito na kayang pumutol ng kamay ay huwag na nating tangkilikin.

Matitigas pa ang ulo ng iba na kahit na bawal ay yun pa ang hinahanap.

Nung nakaraang taon ay sinuyod ng PNP ang mga bentahan ng paputok para sirain ang mga ibinebentang ipinagbabawal.

Ganun pa man kahit na sabihin mong bumaba ang bilang ng mga biktima ay marami pa din ang napinsala nito.

Magandang napirmahan na ito ngayon para wala nang kokontra at magsasabi na malulugi sila dahil nakapamili o nakagawa na sila ng mga paputok para maibenta.

Iwas disgrasya ito at kung talagang masusunod ang pinirmahang batas ng Presidente ay wala nang madidisgrasya pagdating ng bagong taon at kahit na sa ordinaryong araw.

Hindi lang naman mga tao ang nadidisgrasya nito. Maaari rin itong pagmulan ng sunog. May iba pa na kapag tumama sa linya ng kuryente ay ilang araw pang mapeperwisyo nang dahil sa paputok.

May iba namang paraan para ipagdiwang natin ang isang okasyon ng masaya at maingay nang hindi nagpapaputok.

Gumamit na lang ng mga kaldero o mga takip nito at sila ang pagsalpukin para mag-ingay. Meron ding mga lata at torotot na ligtas pang gamitin.

Mas mabuting ang isipin naman natin ngayon ay ang ating kapakanan at kaligtasan ay humanap na lang ng ibang paraan na lang ang gawin na ikasisiya natin.

Dapat na ring mag-ingat ang mga sumasakay sa mga LRT at MRT dahil baka makasumpong sila ng katabing may putok sa kili-kili. Ito ang matinding paputok, kasama ba ito sa IRR nila?

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with