^

PSN Opinyon

Mas mahalagang opinyon

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

MARAMING nadismaya nang palitan ng DOJ ng homicide ang kasong murder na isinampa sa mga akusadong pulis sa pagpatay kay Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr. Ito ang grupo ni Supt. Marvin Marcos ng CIDG-8, na unang sinampahan ng murder. Batay sa imbestigasyon ng Senado at ng NBI, planado ang pagpatay kay Espinosa sa loob ng kulungan. May mga ebidensiya na magpapatunay dito. Pareho ang kanilang rekomendasyon, na sampahan ng murder, kung saan hindi puwedeng makapagpiyansa. Pero dahil pinalitan na ng DOJ ang kaso sa homicide, nakapagpiyansa silang lahat at nakalaya.

Pero magtataka pa ba na magiging pabor sa grupong ito ni Marcos ang mga kilos ng gobyerno? Ilang beses nang sinabi ni Pres. Rodrigo Duterte na handa siyang patawarin ang mga pulis na sumusunod sa kanyang utos hinggil sa kanyang kampanya sa droga. Akusado si Espinosa Sr. na isa sa malaking drug lord sa Visayas, kasama ang anak na si Kerwin. Para kay Duterte, sapat na ito.

Nakitang pabor si Marcos sa administrasyon nang ibalik siya sa tungkulin ni PNP chief Dir. Gen. Ronald dela Rosa matapos masuspindi. Lumabas na may utos mula sa Palasyo na ibalik siya sa tungkulin at hindi dahil sa “humanitarian reasons” na una niyang sinabi sa publiko. Dito pa lang alam nang malapit si Marcos sa Palasyo. Ngayong pormal na akusado na sila sa pagpatay kay Espinosa, nagiging malinaw na hindi sila pinababayaan. Ayon sa DOJ, wala raw ebidensiya na planado ang pagpatay kay Espinosa, kahit dalawang imbes­tigasyon na ang nagsabi na meron. Mahalaga ang opinyon ng ahensiya na mas malapit sa Palasyo.

Magsasampa ng resolusyon ang minorya sa Senado tungkol sa ginawa ng DOJ. Nag-aalala ang Senado sa kilos ng DOJ. Pansinin naman kaya nila ito, kung ang minorya ang magsasampa ng resolusyon? Suportahan naman kaya ng mga kaalyado ng administrasyon? Parang nakikita na kahit ano pa ang magiging desisyon ng korte, magiging malaya ang grupo ni Marcos, at makababalik sa PNP.    

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with