^

PSN Opinyon

‘DOTr Sec. Tugade, tiwala ako na ki-Kilos Pronto ka!”

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

NAAPRUBAHAN na ang siyam na flagship projects ng pamahalaan kung saan tinatayang  P738 bilyon ang ha­laga ng buong proyekto. Ito `yung mga transportation infrastructure na nakakasa na at uumpisahan na sa wakas.

Agarang inaprubahan na ang mga proyektong ito para sa ikagiginhawa ng araw-araw na biyahe ng mga Pinoy. Isa ring dahilan ay ang target na mabawasan ang malubhang trapik sa Metro Manila na ilang taon nang nagpapa­hirap sa commuters at motorists.

Pero teka muna, kailangang bantayang maigi ito lalo na ang Department of Transportation (DOTr) nang huwag masayang ang bilyong pisong budget ng mga nakakasang proyekto. Baka may makalusot na namang mapanlarong mga kontratista na mahilig sa drama at sarswela. Dahil mali ang kompanyang naawardan ng proyekto na nabayaran nang malaking halaga ay hindi kuwalipikado, dinala sa korte ang isyu hanggang sa tuluyang hindi na nasi­mulan ang para sa mamamayan.

DOTr Sec. Art Tugade, mag-ingat-ingat po at kung ma­aari ay mas mainam na maayos na ito agad bago pa tulu­yang mawala ang tiwala ng taumbayan dahil sa kapalpakan ng nakaraang administrasyon. Alam nating andiyan pa ang namanang  problema subalit naniniwala akong maganda ang gagawin mong diskarte sa pagkakataong ito. Bilisan na po natin nang maramdaman ni Juan Dela Cruz na iba ang pamunuang ito sa nakaraang administrasyon.

Na ang kasalukuyan ay hindi magiging mukha ng ka­pabayaan, kapalpakan at walang pakialam bagkus ay ina­ayunan ang mga bagay na mali at hindi dapat. Na ang bunga ng kanilang maling gawain ay dagdag na pagdurusa at kalbaryo para sa mga Pilipino. Kung ginawa lamang ang na­rarapat noon, kahit sana paano’y naiibsan na ngayon ang paghihirap sa trapiko. Wala eh, saksakan ng mga pabaya, palpak at walang pakialam!

Sec. Tugade, naniniwala ako that you will assume your responsibility and you will do it righteously, swiftly.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with