^

PSN Opinyon

Nais tapusin na

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

HINDI  raw suportado ng mga Maranao ng Marawi ang grupong Maute at si Isnilon Hapilon, kontra sa mga pahayag ni President Duterte. Umangal sa pahayag ni Duterte na “galit talaga ako sa Marawi na yan kung bakit ‘yung mga Maranao, pinayagan mga tao na pumasok doon at manggulo. Galit ako sa mga Maranao na nagdala roon ng ibang klaseng tao, ‘yung iba hindi pa Pilipino.” Ni hindi raw Maranao si Hapilon, kundi Tausog, kaya mali raw sabihin na suportado siya sa Marawi.

Habang tumatagal nga ang krisis sa Marawi ay ganito na nga ang nangyayari. Mag-iisang buwan na. Nagkakaroon na ng turuan at sisihan. Ayon naman sa militar, higit 100 na lang daw ang mga Maute sa Marawi at nauubusan na ng bala. Pero ang mga bala nila ay nakakapatay pa ng mga sundalo natin. Tatlo pa ang nadagdagan sa mga patay na sundalo itong nakaraang mga araw. Nasa 62 na ang namamatay sa panig ng gobyerno. Sana nga ay wala silang nakukuhang suporta kahit saan, para matapos na ang krisis.

Nadagdagan pa ang mga sundalo sa Marawi. Nag­lunsad nang malaking opensiba ang militar. Ang nais ay matapos na ang labanan itong linggo. Ang pangamba ay kapag natapos na ang Ramadan sa Lunes, baka may mga manlalaban na tumulong na rin sa Maute. Huwag naman sana. Naaalarma na nga raw ang mga bansa sa rehiyon sa nagaganap sa Marawi. Ang pangamba ay baka rito na gustong magpalakas ang ISIS, na tila natatalo na sa Iraq at Syria. Kampante ako na hindi magaganap iyan. Lalabanan natin ang pagpasok ng anumang teroristang organisasyon sa bansa. Handa na ring tumulong ang Indonesia at Malaysia para labanan ang terorismo. Sabay-sabay nilang babantayan ang karagatan, kung saan aktibo ang mga terorista. Dito nagaganap ang pagdukot sa mga mandaragat, at maaaring dito na rin dumadaan ang pagpasok ng mga armas at manlalaban. Dapat lang ay magsanib-puwersa na ang mga bansa para mahinto ang paglaganap ng ISIS.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with