^

PSN Opinyon

EDITORYAL - National ID ituloy na

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - National ID ituloy na

MATAGAL nang isinusulong ang national identification system sa bansa. Ilang Presidente na ang nagbalak nito na ang tanging layunin ay para sa seguridad ng mamamayan. Wala raw dapat ikatakot sa pagkakaroon ng national ID. Ang mga tumututol lamang daw dito ay yung may mga itinatago o gina­gawang illegal. Kung wala namang masamang gina­gawa, walang dapat ikatakot sa pagkakaroon ng national ID.

Pero kahit na gaano kaganda ang paliwanag at plano para rito, balewala sapagkat sabi ng mga tutol, lalabagin ang karapatan ng mamamayan. Kapag may national ID, maaari nang panghimasukan ang mamamayan. Malalaman na raw ang lahat ng impormasyon ng indibidwal. Hindi raw maganda ito sa bansang demokratiko.

Ang mga tumututol sa pagkakaroon ng national ID ay karaniwang ang mga mambabatas at grupo na identified sa komunista. Marami silang sinasabi na masama ang kahahantungan kapag ipinatupad ang national ID. Malalabag ang karapatan ng bawat isa. Hindi raw dapat pumayag ang mamamayan sa panlalansi ng pamahalaan.

Pero desidido ang Duterte administration na ituloy na ang pagkakaroon ng national ID. Ang ideya na isulong ang national ID ay nagmula sa Department of Finance (DOF) para mapagbuti ang tax collection. Ayon sa DOF, sa pagkakaroon ng national ID madali nang maipagkakaloob ang cash subsidies sa mga kuwalipikadong benepisyaryo. Nasa national ID na ang lahat nang impormasyon at maaari nang maki­pagtransaksiyon ang bawat isa sa lahat ng ahensiya ng gobyerno. Pag-iisahin na ang lahat ng ID --- SSS, GSIS, driver’s license, election ID at marami pang iba. Nasa national ID na ang lahat nang kailangan.

Maganda at kapaki-pakinabang ang pagkakaroon ng national ID. Ngayong gustong maghari ang mga terorista – gaya ng Maute at Abu Sayyaf, mahalaga ang may ID sapagkat madaling makikilala ang mga “halang ang kaluluwa” at mga “mamamatay-tao”.

Ang dapat lamang siguruhin ng pamahalaan kapag naipatupad ang national ID ay sikapin na hindi­ ito mapepeke. Maraming namemeke ng ID kaya dapat maging mahusay ang pagkakagawa nito. Kapag napeke, kahiya-hiya ang gobyerno.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with