^

PSN Opinyon

Ituturing na sagrado pa rin

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

NILINAW kaagad ng AFP na hindi nila bobombahin ang mga mosque na ginagamit na taguan ng mga teroristang Maute. Gagalangin pa rin ang mga sagradong lugar, na nakasaad din naman sa Geneva Convention. Inutos ito ni AFP Chief of Staff Gen. Eduardo Año mismo. Kung may mga sniper na puwede nilang i-target, gagawin nila. Pero ang malawakang pagbomba sa mosque para ma­durog na ang mga natitirang Maute sa Marawi ay hindi mangyayari. May respeto pa rin ang mga sundalo sa mga sagradong lugar.

Baka kasi plano rin ito ng Maute. Kung sakaling bombahin ang mosque, baka makuha nila ang simpatya nang maraming Muslim, at pumanig na rin sa kanila. Sa ngayon, iilan na lang ang na­iwan sa Marawi City. Ayon sa AFP, nasa 20% na lang ang hawak ng mga Maute, apat na barangay. Pero kahit maliit na lang ang hawak, hindi ibig sa bihin ay ligtas na ang buong siyudad, at puwede nang bumalik ang mga residente. Maa­aring tumagal pa ang labanan sa desisyong ito na huwag bombahin ang mga tinataguan ng mga terorista, pero mapapanatiling buo ang mga banal na lugar. Nakiusap na rin ang pamunuan ng AFP na huwag ikalat na may natamaan na silang mga mosque sa ginagawang mga airstrike, at wala naman. Kasama talaga sa digmaan ang pagkalat ng pekeng impormasyon, na magagamit sa kalaban.

Noong Gulf War, hindi sumali ang Israel sa pagsasanib nang maraming bansang Arabo para labanan ang Iraq. Mahirap nga naman kung mga taga-Israel at mga Arabo ang magsama sa labanan. Kaya ang ginagawa ng Iraq noon ay sadyang binobomba ang Israel, para sumali na sa gulo. Inaasa­han na kung sumali ang Israel, mabubuwag ang koa­lisyon at lalabanan na lang ng mga Arabo ang Israel. Kaya tiniis na lang ng Israel ang pagbagsak ng mga bomba sa kanila. Kapansin-pansin na hindi rin binagsakan ng bomba ang Jerusalem, kung saan may mga pinaka-sagradong mosque ng Muslim, ang “Dome of the Rock” at ang Al-Aqsa Mosque. Nandoon din ang “Temple Mount” ng mga Hudyo at ang “Church of the Holy Sepulchre”, kung saan ipinako si Hesus. Ito ang dahilan iung bakit hindi binomba ang Jerusalem. Kung may paggalang lang sana ang mga teroristang Maute sa mga sagradong lugar, baka tapos na ang laban na ito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with